Chapter 4

24.8K 1.2K 231
                                    

Everyone wished him a happy birthday and then handed him the gift, which he gave to his assistant to place it in the area where all the gifts were. Family, friends, colleagues, and relatives were all present tonight to celebrate his 41st birthday with him. As usual, hindi siya nakaligtas sa mga tanong kung kailan siya mag-aasawa. Taon-taon sa kaarawan niya ay ito lagi ang nakukuha niyang tanong pagkatapos bumati ng maligayang kaarawan. Isa lang din naman ang sagot niya—soon. Simple. Sa totoo lang, medyo nagsasawa na rin siya sa ganito. Parang mas gusto na lang niya ang simpleng handaan kasama ang malalapit sa kanya. Pero ito ang gusto ng kanyang mama at ang purpose ay ang pagpapakilala sa kanya ng suitable wife raw niya katulad ngayon na hindi pa man nangangalahati ang gabi ay mukhang may ipapakilala na naman sa kanya.

Malawak ang ngiti ng sopistikado niyang ina kasama ang tatlong babae na ang isa ay kaedad ng kanyang ina, si Alisson Delgado at ang isa naman ay ang anak nito na siguro ay ay nasa 50s ang edad at ang isa ay bata pa—late twenties siguro at hindi pamilyar sa kanya. Titigil lang yata ito sa ganitong pagpapa-party kapag nakapag-asawa na siya.

"Do you enjoy your party?" tanong ng kanyang ina hustong makalapit ito. Hinaplos ang dibdib niya na para bang may gusot sa tela na inayos doon.

"I do, Mom. Thank you for your effort."

"Your Tita Alison is here."

"Happy birthday, hijo." Lumapit ang babae sa kanya at nagbeso. Ganoon din ang ginawa ng anak nito.

"I'm now persuaded that men age like fine wines. As you become older, you look more and more gorgeous like your father."

Tumawa si Soft sa tinuran ng babae. "Thank you, Tita."

"Anyway, I have someone with me." Nilinga nito ang kasamang babae na pinakabata. Hinawakan ito sa braso at marahang hinila palapit.

"This is Madisson, my only granddaughter."

"Not familiar, Tita. Hindi ko man lang siya nakitang kasama mo sa mga gathering."

"Sa Nevada na siya nag-college at ayaw pumirmi dito sa Pilipinas. Mahaba na ang limang araw na mag-stay siya rito. I won't be able to bring her to the gathering...oh, anyway, Maddie, this is Soft," pagpapakilala nito sa babae.

"C'mon, sweetie, greet him and give him your gift."

"Ahm...hi. Happy birthday."

"Thank you. Nice to meet you, Maddie." Inilahad ni Soft ang kamay sa babae. Tinitigan nito ang kamay niya nang ilang sandali bago inabot iyon para makipagkamay. Ibinigay nito ang isang maliit na regalo sa kanya. Muli siyang nagpasalamat sa babae para sa regalo.

"You know what, Maddie. Soft is a genius when it comes to business. He has a brilliant brain and golden hands...he can accomplish the unthinkable in business. He can bring the insolvent company back to life and make it more successful than it was before...like what he did with Valderama Capital. It's now a very successful private investment company with its new name, Clover Capital," buong paghangang kuwento ni Alisson sa apo nito. Madisson forced a smile, she seemed unimpressed. Mukhang hindi rin nito gustong nandito sa pagtitipon. Mukhang napilitan.

"My grandchild is still single," sunod nito sa kuwento.

"So was my son," Sasahh chuckled.

"Bakit kaya hindi kaya kayo mag-date? Malay ninyo soulmate pala kayo," si Alisson na pinagsalikop pa ang mga kamay sa katuwaan. Pero mukhang si Sasahh lang at si Alisson ang natutuwa at hindi ang po nito na hindi na itinago sa ekspresyon ang pagkadisguto. She hates her situation right now. Sigurado siya sa bagay na iyon.

"At malay ninyo maisipan ninyong magpakasal after the date," excited pang dagdag ng babae.

"Who's gonna marry whom?" Bigla ang pagsulpot ni Hanny na yumakap sa braso ni Soft. Isa pa ito. Kasama ni Hanny ang ina.

Bachelor's Inferno 2: Venomous Seduction Where stories live. Discover now