Chapter 13

26.3K 1.1K 116
                                    

"OH, my god! Your brother is so cute." Tuwang-tuwa si Sasahh habang pinapanood ang video ni Soft na kilig na kilig na animo'y isang nagbibinata na nakakuha ng first kiss mula sa nobya. Nagkukumpulan ang mga ito habang nasa poolside open cabana sila. On the other hand, Soft was still embarrassed, but he couldn't contain his happiness as he witnessed his mother and brother cackling with glee. Tuwang-tuwa talaga ito sa nangyayari sa kanya. They were happy for him to be in a committed relationship since it might put an end to his single status that they've all been wishing for. His mother and brothers looked adorable, especially when they giggled like kids.

"Anyway, Mom. Paano mong nadala rito si Montana? Napapayag mo pang mag-overnight." Mabuti na lang at naisipan ni Frankus itanong ang bagay na iyon. Iyon din kasi ang gusto niyang malaman kagabi pa kaso nga lang ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataon pang itanong sa ina. Bumalik si Ryke sa kinauupuang sofa nito habang si Frankus ay nanatili sa tabi ni Sasahh.

"Sinuhulan ni mommy ng twenty million." Napatingin si Soft kay Hector na nakaupo sa pang-isahang sofa dahil sa sinabi nito.

"What?" tanong niya.

Napangiwi si Hector na mukhang pinagsisihan ang sinabi. "Kuwento ni Andrite...sorry po," apologetic itong tumingin sa ina. Tumawa naman si Frankus.

"20M? So tinanggap ni Montana ang 20M kapalit ng pagpunta rito?"

"No! Hindi niya tinanggap. Pinaunlakan lang niya ang imbitasyon ko." Ang kanyang ina naman na katabi niya ang apologetic na tumingin sa kanya.

"Hindi nga tinanggap ang isang bilyong alok ni kuya, 20M pa?" pambubuko sa kanya ni Frankus. Napakuskos siya sa sentido gamit ang dulo ng hintuturo nang mapatingin sa kanya ang kanyang ina. Shock.

"One billion? For what?" Gulat na untag ni Sasahh kay Soft.

"Para sagutin siya kaso basted. Hindi umubra ang isang bilyon. Hindi tinanggap."

"Wala siyang sinabi, Frankus. She just walked away without a word. And silence means yes," depensa niya sa sinabi ni Frankus.

"Silence doesn't always mean yes, Kuya. Sometimes it means fuck off. Basted ka na nga ang kulit mo pa." Malakas na humalahak si Ryke sa teoryang iyon ni Frankus.

Agad namang ginagap ni Sasahh ang kamay ni Soft na nakapatong sa kanyang hita.

"Huwag kang makinig sa kapatid mo. Silence always means yes...or sometimes unsure but there is a chance. Noon nga binasted ni Lavender si Frankus sinabi iyon ni Lavender, 'di ba?" Muling humalakhak si Frankus.

Naikuwento nga iyon sa kanila ni Lavender. Since everybody was dying to know about his brother's and Lavender's clandestine romance, they were all eager to gain insight into the progression of their courtship. Consequently, they badgered them, compelling them to disclose the intricacies of their courtship.
Makapal ang mukha ng kapatid niya. Kahit ni-reject na ni Lavender ay pinagpilitan pa ang sarili. Akalain mong napapayag si Lavender sa friends with benefits at paglaon ay na-in-love nang todo ang dalawa sa isa't isa. He was very shocked upon learning about their relationship. Akala niya noon kung sinong tarantado ang nakabuntis kay Lavender kaya pinaimbestigahan niya dahil ayaw magtapat ni Lavender. Ang bunsong kapatid lang pala niya.

"But really, Son? You offer her one billion?" hindi makapaniwalang tanong ni Sasahh. Nagkibit lang si Soft.

"I'm curious what other idiotic things he's capable of doing for Montana," says Ryke.

"I think, everything." Lahat ay napatingin sa lumapit na si Iolanthe.

"Do you know, guys, that Uncle Soft disguised as a food rider."

Bachelor's Inferno 2: Venomous Seduction Onde as histórias ganham vida. Descobre agora