Chapter 28

17.4K 758 72
                                    

PINAGMASDAN ni Montana ang dati nilang bahay. Ang tahanan ng masaya nilang pamilya. Ang bahay na kinuha ng banko na pag-aari ng Dela Fuente dahil sa utang na hindi nabayaran ng kanyang ama. Sino na kaya ang may-ari ng bahay na ito ngayon? Mayroon na kaya? O baka wala pa dahil ganoon pa rin exterior ng bahay. Walang nabago. Mukhang nakailang repaint kasi bagong-bago pa rin iyon pero kaperahong pintura pa rin sa dati. Maging ang gate niyon ay walang nabago. Hindi pinalitan. Paminsan-minsan ay binisibita niya ito kahit noon pa man pero itinigil lang niya dahil bumabalik ang lahat ng sakit. Ayon kay Trey ay mukhang wala pa raw bagong may-ari ng bahay nang minsan niyang tanungin. Pero wala rin naman sa listahan ng auction ng banko. Nagbiro pa si Trey na babawiin nila ang bahay na ito kapag nagkapera sila. Ngayon ay nagpasya siyang bisitahin muli ang bahay makalipas ang mahaba-habang panahon para ibalik ang galit sa puso niya. Tama si Cleo, kailangan niyang alalahanin ang lahat na masamang nangyari. Baka iyon ang makapagpaklaro sa kanyang naguguluhang isipan.

Bumukas ang gate, may isang babae ang lumabas na kung ibabase sa suot na uniforme ay kasambahay. Mukhang may bago na ngang may-ari. Nagtapon ito ng basura sa malaking trash can sa gilid ng bahay. Ang itim na trash bag ay sa loob ng basurahan inilagay habang ipinatong naman sa ibabaw ang kuwatradong frame—posibleng painting o portrait. Bahagyang umawang ang labi ni Montana nang makita ang taong sunod na lumabas sa gate.

"Klouber," mahina niyang usal. Hindi makapaniwala sa taong nakikita. Ano ang ginagawa ni Klouber sa dating bahay nila? Kinausap nito ang katulong at nauna nang pumasok ang katulong habang si Klouber ay naiwan sa labas. Nakasimangot nitong hinawakan ang frame at itinaas para silipin ang kung anuman ang nakapinta o larawan doon. Lalo itong sumimangot saka iyon binitawan at naglakad pabalik sa nakabukas na gate.

"Klouber!" Malakas niyang tawag rito mula sa kabilang kalsada. Kunot-noo itong lumingon hanggang sa bumakas gulat sa mukha nang makita siya. Sinukbit niya ang dalawang hinlalaki sa magkabilang strap ng backpack na nakasabit sa kanyang likuran. Dahan-dahan siyang naglakad patawid ng kalsada habang hindi iniiwan ng tingin si Klouber.

"Ano ang ginawa mo rito?" agad na tanong ni Klouber hustong makalapit siya.

"Hindi ba dapat ikaw ang tanungin ko niyan? Ano ang ginawa mo sa dati naming bahay?" Sinulyapan niya ang bahay.

"Ano? Dating bahay?" gulat na untag ni Klouber.

"Oo. Bakit nandito ka?"

"Ahm." Nilaro ni Klouber ang sariling mga daliri, nilinga nito ang bahay saglit bago ibinalik ang atensiyon sa kanya.

"Bahay ito ng kaibigan ko. Invited ako para mag-sleep-over kasama pa ang iba kong mga kaibigan."

"Sino'ng kaibigan? Ano'ng pamilya?"

Dinilaan nito ang natutuyong labi bago tumugon. "Ahm...Si Michelle, Michelle Flores. Ahm, sige na." Tumalikod ito pero muli ring humarap.

"Saka pwede ba, Montana. Mag-move-on ka na nga lang sa buhay. Tanggapin mo na lang na hindi na maibabalik ang dati mong buhay. Ang creepy mo na," pagkasabi nito ay tumalikod na at pumasok muli. Umirap pa ito bago isinara ang gate. Naiwang mag-isa si Montana sa labas. Nakatitig sa gate na isinara ni Klouber.

Move on? Ano nga ba ang mangyayari kapag nag-move on na lang siya? Kung kalimutan na lang niya ang lahat? Tiyak na magagalit si Trey. Hindi niya mabibigyan ng hustisya ang pamilya nila ni Trey. Bumuntong-hininga si Montana. Sa pagbaling niya sa direksyon kung saan naroon ang basurahan ay nakuha ng frame ang interes niya. Nilapitan niya iyon at inangat para suriin ang laman. Napasinghap si Montana nang makita ang nakapinta roon.

"My painting." Agad na nag-init ang kanyang mga mata hanggang sa mapuno iyon ng luha at dumaloy sa kanyang pisngi. Napuno ng lungkot ang puso niya at hindi maampat ang pagdaloy ng kanyang mga luha. Lumuhod si Montana habang hawak ang painting sa mga kamay. Hindi siya maaaring magkamali. Kanya ang painting na ito. Siya mismo ang nagpinta nito. May mga larawan pa siyang nakatago kung saan ipinipinta niya ang four-clover leaf na ito. Limang taong-gulang siya niyon. Hindi ito perpekto pero ito ang paborito niya. Her mother guided her while she painted it. She reached for the signature below the painting and gently touched the initial of her name. Tuluyang napahagulhol si Montana at niyakap ang painting. Rumagasa ang matinding kalungkutan sa kanya. Ang pangungulila sa kanyang mommy. Ang pangungulila sa masayang buhay na mayroon siya noon. Buhay na kailanman ay hinding-hindi na maibabalik pa. Masayang buhay na inagaw ni Soft. Sa katotohanan na iyon ay lalo siyang nakakaramdaman ng matinding sakit.

Bachelor's Inferno 2: Venomous Seduction Where stories live. Discover now