Chapter 20

24.8K 1K 102
                                    

NAKUHA agad ni Soft ang loob ng kanyang mga kapatid. May mangilanngilang manliligaw si Montana na bumibisita kapag umuuwi siya rito sa bahay nila sa probinsya pero hindi niya nakitaan ang mga kapatid ng matinding pagkagiliw sa mga iyon. Siguro natuwa sa mga dalang pasalubong ni Soft. Namili kasi si Soft ng laruan at mga damit para sa mga kapatid niya kahapon at nag-grocery na rin at dinala nga nila sa pagpunta nila rito ngayon. Madilim pa nang umalis sila ng Manila para hindi nga sila tanghaliin. Alas otso naman ay dumating sila. Ngayon ay masayang nagtutulong-tulong ang tatlo niyang kapatid na nag-iihaw ng liempo at telapia kasama si Soft para sa kanilang pananghalian, habang siya ay tinulungan si Nanang Olivia sa pagluluto ng gulay at pagsaing.

"Hindi kaya ikaw ang masaktan sa halip na ang taong gusto mong gantihan sa ginagawa mong ito, Anak." Humigpit ang kamay niya sa pagkakahawak sa kahoy na balustre ng kusina sa labas dahil sa sinabing iyon ni Nanang Olivia.

"Mukhang mabait ang batang iyan."

Umismid si Montana pero hindi hinarap si Nanang Olivia na nakatayo sa kanyang bandang likuran.

"Hindi na po 'yan bata," katwiran niya. "At baka po nakakalimutan mo ang ginawa niya sa pamilya ko." Kung hindi niya alam ang ginawa nitong pagkamkam sa kanilang kumpanya noon, kahit siya ay iisiping mabait talaga ito. Wala siyang makitang kapintasan. Ganoon naman talaga ang nanliligaw. Pulos kabutihan lang ang ipinapakita. Ganitong-ganito ang ginawa nito sa kanyang papa at iba pa...kinuha ang loob pero trinaydor din bandang huli. Mga ganitong klase ng tao ang nakakatakot.

"Ano man ang edad niya," ganting ismid ni Nanang Olivia.

"Hay, Montana! Sana lang ay sigurado ka sa ginagawa mong ito. Pero natitiyak kong masasaktan ang puso mo ng labis dahil sa ginagawa mong ito." Kunot-noo niyang nilinga si Nanang Olivia na tinungo ang mesa para ayusin ang nakalatag ng dahon ng saging. Nagugulumihanan siya sa sinasabi nito. Paano naman nitong nasabing siya ang masasaktan?  Pero sabagay, tama ito. Kung hindi siya magtatagumpay sa plano niya tiyak na masasaktan nga siya dahil hindi niya mabibigyan ng hustisya ang nangyari sa kanyang pamilya.

"Sa tingin ninyo po ba hindi ako magtatagumpay sa plano ko, Nanang?"

"Maaaring magtagumpay ka. Pero magiging masaya ka kaya pagkatapos nito, Klouber?"

"Nanang Olivia! Don't call me by that name," pabulong niyang sita rito kahit pa hindi naman siya maririnig ni Soft dahil medyo madistansiya sila sa isa't isa. Agad niyang tinanaw ang kinaroroonan ni Soft sa pag-alalang baka marinig sila nito. Sumikdo ang puso niya nang madiskubreng nakatanaw ito sa kinaroroonan nila. Kung sa takot sa posibleng pagkakarinig nito sa usapan nila kahit imposible ay hindi niya alam. Basta ang alam niya ay dumuble ang tibok ng puso niya nang kindatan siya nito.

"Ate Montana, malapit na kaming matapos!" masayang sabi ng anim na taong gulang niyang kapatid na si Tolits.

"Halika, Ate, samahan mo kami rito," pagyaya naman ng walong taong gulang niyang kapatid na si Petra.

"Huling salang na lang ba 'yan? Maghahain na ako," tanong ni Nanang Olivia.

"Go na po, Nanang. Last na ito," tugon ng siyam na taong gulang na si Tanzania, ang pinakamatanda sa tatlong kapatid ng totoong Montana Vidal.

Nagpasyang lapitan ni Montana ang mga kapatid at si Soft na mukhang nag-e-enjoy sa pakikipagkulitan sa mga kapatid. Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit ay nakataas na ang braso ni Soft para sa kanya, at parang normal na ba iyon sa kanila dahil agad naman niyang isiniksik ang katawan sa gilid ng katawan ni Soft. Umakbay sa kanya si Soft at binigyan siya ng halik sa gilid ng ulo. Tumili ang kanyang mga kapatid kaya napatawa siya. Kay babata pa marunong ng kiligin.

"Masarap ba 'to?" Kumurot siya sa liempo pero napaso siya nang mainit ang mahawakan niya. Agad na inalis ni Soft ang kamay sa balikat niya at ito na ang naghiwa ng liempo at isinubo na nito iyon sa kanya. Muli na namang tumili ang mga bata kaya pinaningkitan na niya.

Bachelor's Inferno 2: Venomous Seduction Where stories live. Discover now