Chapter 10

21.4K 1K 135
                                    

"BOSS." Inalok ni Martin sa kanya ang isang bottled water na agad niyang tinanggihan sa pamamagitan ng pag-iling. Nanatili ang paningin niya sa unahan pero walang partikular na tinitingnan. Ukupado ang utak niya ni Montana. He couldn't fathom why on Earth she'd decide to ruin her life. Kahit ilang pagsasayaw ng hubo't hubad ang gawin nito hindi nito kikitain ang isang daang milyon na handa niyang ibigay. Bakit mas pinili pa rin nitong magtrabaho bilang gueixa kaysa ang mas magkaroon ng magandang buhay gamit ang pera na galing sa kanya.

Kinainipan niya ang ilang minutong byahe. Mula Laguna ay chopper ang ginamit nila na siyang gamit din nila patungo ng Laguna. Llumapag sila ng D' Fuente building at gumamit naman sila ng kotse patungong mall kung saan naroon Bijoux. Paghintong-paghinto ng sasakyan sa tapat ng entrance ng mall ay agad na siyang bumaba at inutusan si Martin na manatili na lang sa sasakyan.

Para ba siyang may abilidad na magpatigil ng oras dahil lahat ng tao sa loob ng shop ay tumigil sa kanya-kanyang ginagawa pagpasok niya ng pinto. Agad naman niyang nakita ang kanyang pakay na ngayon ay nakatitig sa kanya habang nakatayo sa gilid ng isang lalaking costumer. Bumaba ang tingin ni Soft sa kamay ni Montana na hawak ng lalaki, bahagyang hinihila na mukhang kinukuha ang atensiyon ng dalaga. Kahit ano pa man ang dahilan ng paghawak ng lalaki sa kamay nito ay hindi niya iyon nagugustuhan. Hindi niya mapigil ang pagkalat ng iritasyon sa dibdib niya.

"Soft!" magiliw na boses ang kanyang narinig. Si Hanny na agad na naglakad patungo kay Soft. Humawak ito sa braso niya pero hindi niya ito pinansin, nanatili ang kanyang atensiyon kay Montana. Naglakad si Soft patungo sa kinaroroonan ni Montana, hindi pinansin ang pagtawag sa kanya ni Hanny na naiwan.

Tumigil siya sa mismong harapan ni Montana. Tiim ang bagang na sinulyapan ang lalaking hawak pa rin ang kamay ni Montana. Kinuha niya ang kamay ni Montana mula sa lalaki at walang sabing hinila si Montana palabas ng shop. Wala siyang pakialam sa mga taong pinagtitinginan sila.

"Sir, ano ang ginagawa mo?" Sinubukang hilain ni Montana ang kamay pero hinigpitan niya ang hawak dito. Nang makalayo sa shop ay noon niya ito hinarap. Binitawan niya ang kamay ng dalaga.

"Ano ba ang problema mo?"

"Ikaw ang problema ko. What's wrong with you?"

"What's wrong with me?" Inilapat nito ang dalawang palad sa dibdib.

"Ikaw ang pumunta rito at kinaladkad ako palabas tapos ako ang tatanungin mo if what's wrong with me? What's wrong with you?" balik na tanong rito sa kanya.

Huminga ng malalim si Soft. Binasa ng dila ang labi. Pilit na kinalma ang damdaming bumubugso ng walang pakundangan. Hindi niya maipaliwanag kung saan nanggagaling.

"Bakit hindi mo in-encash ang tseke?"

"Iyon ang ikinagagalit mo?" Noon niya napagtanto ang pagkakakunot ng kanyang noo. Galit? Hindi siya galit. Hindi iyon ang nararamdaman. He was alarmed. He's worried.

"I'm not mad."

"Your expression belied it. Ano naman kung hindi ko kinuha ang pera? I was joking when I tried to encash the cheque with that amount. Dapat nga magpasalamat ka hindi nabawasan ang pera. Malaking halaga rin 'yon. Hindi ka ba nanghihinayang?"

"No! Kung kailangan mo 'yon handa akong ibigay sa 'yo."

"Talaga? Hindi ba ikababagsak ng kumpanya mo ang pagwaldas mo ng ganoong halaga?"

"No! It's from my own pocket." Tumaas ang mukha ni Montana, kasabay nang pagtalim ng mga mata nito ay ang pagtiim ng mga mukha na para bang may mali siyang sinabi. Pero hindi na iyon pa pinagtuon ng pansin ni Soft.

"Look, Montana. If you need that money then take it." May gigil, may pakiusap at frustration.

"Hindi ko kailangan ang pera mo, Mr. Dela Fuente. I mean...yes I need money. Pero gusto kong pinagtatrabahuhan. That's better than taking money from other people...spending it as if it were my own," she said with despise.

Bachelor's Inferno 2: Venomous Seduction Where stories live. Discover now