Chapter 29

16.7K 770 70
                                    


Hapon na nang magising si Montana. She heard noise coming from outside. Though the bedroom appeared to be soundproof, a small gap in the door allowed the noise to seep in, reaching her ears. She got off the bed and headed straight for the door to find out whose voices she was hearing. Clutching the doorknob, she pulled the door open and ventured outside the room, only to find Soft's brothers engaged in a joyful conversation. An atmosphere of shock settled upon everyone momentarily, as if she had emerged as a police officer, abruptly interrupting them in the midst of engaging in some illicit activity. Sabay-sabay na tumayo ang apat na magkakapatid, kanya-kanyang direksiyon ang tinungo na animo ay tatakas. Si Soft ay siya agad ang nilapitan at kinumusta ang tulog niya. Nag-unahan sa paglapit sa kanya ang mga kapatid ni Soft na may kanya-kanyang bitbit na eco-bag—tag-isa sa bawat kamay.

"Sabi ni Violet makakatulong ang mga ito para gumaan ang pakiramdam mo," ani Ryke na inilapag sa baba ang isa at paisa-isang nilalabas ang laman ng isa pang eco-bag na hawak. May tea, may chocolate at kung anu-ano pa.

"Ito naman ang mga cravings ni Andrite kapag may mens siya," si Hector naman ay mga chips ang dala.

"Ito naman ice cream. May dala ako ng lahat ng flavor kasi hindi ko alam ang paborito mo. Itong si Kuya Soft ang eng-eng. Hindi alam kung ano'ng paborito mong flavor ng ice cream," si Frankus.

"Palpak kasi ang slambook na binili mo. Hindi kumpleto ang mga questions," pagdepensa naman ni Soft.

"Sandali. Wala naman akong sakit. Parang sobra naman yata 'yan. Gumagastos pa kayo nang sobra."

Inakbayan siya ni Soft. "Masanay ka na. Hindi lang ako ang ma-ge-spoil sa 'yo kundi pati ang mga kapatid ko, isama mo na sina mom and dad."

"Oh, wait!" Tinungo ni Frankus ang center table at nilapag doon ang dalang mga ice cream at kapagkuwan ay tumakbo patungo sa likod ng sofa na mahaba. May itulak ito hanggang sa lumitaw nang buo ang isang ice cream push cart.

"In case you prefer the sorbetes instead of store-bought ice cream, mayroon din akong dala." Napaawang ang bibig ni Montana sa pagkamangha.

Kinuha ni Frankus ang bell at pinatunog iyon. "Sorbetes kayo riyan. Murang-mura lang," kunwaring paglalako nito sa sorbetes.

Bigla na lang bumalik sa alaala ni Montana ang unang pagtatagpo nila ni Soft noong bata pa lang siya. Malinaw na malinaw iyon sa kanyang alaala na para bang kahapon lang nangyari. Humakbang si Montana habang inaalala ang nakaraan. Hindi mapigil ang pag-init ng mga mata.

"Magkano ho, Mamang Sorbetero?" tanong niya kay Frankus na sumakay naman sa paraan ng kanyang pagtatanong.

"Kuwarenta isang apa pero dahil magiging hipag kita bente na lang." Pumihit si Montana kay Soft na nakangiti habang nakamasid sa kanya. Higit lang siyang naging emosyonal.

"Pewede pautang ng bente? I want an ice cream pero wala akong money. Please, sir!" Paggaya niya sa mga sinabi niya kay Soft noon.

Masayang tumawa si Soft. Humakbang ito palapit sa kanila. "Dalawa nga, Mamang Sorbetero," ani Soft kay Frankus na nagsisimula nang maglagay ng ice cream sa apa.

"Para sa hipag ko lang ito, boss. Wala ka namang regla."

Si Hector at Ryke ay nakigulo na rin at nanghihingi rin kay Frankus ng ice cream. "Magbayad kayo. Hindi niyo nga ako tinulungan sa pagtutulak kanina."

Naupo si Soft at Montana sa sofa na magkatabi habang kinakain ang sorbetes at  ang tatlong magkakapatid ay nag-e-enjoy sa pagsandok ng sorbetes. Bumaling siya kay Soft nang marinig niya itong mahinang tumawa.

"I remember something," anito.

"Noon kasi may nakilala akong batang babae at katulad ng ginawa mo inutangan niya ako ng bente para makabili ng sorbetes." Muling nag-init ang mga mata ni Montana sa narinig. Hindi niya mapaniwalaan na naalala pa nito iyon.

Bachelor's Inferno 2: Venomous Seduction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon