Chapter 23

22.3K 876 75
                                    

HINDI INAASAHAN ni Montana ang pagpunta ni Iolanthe sa kanyang class room. Pagbungad palang nito sa pinto ay nakuha na agad nito ang atensyon ng kanyang mga kaklase. Kilala ito ng lahat kahit pa nasa senior high palang ito.

"Hi, Iolanthe!" bati ng ilan sa kanyang mga kaklase habang naglalakad ang babae patungo sa kung saan nakaupo ni Montana. Binati namang pabalik ni Iolanthe ang mga ito. May malapad itong ngiti nang ibaling sa kanya ang tingin. Nang hustong makalapit ay pumukol ito ng matalim na sulyap sa katabi niya, kay Harold, pero ngumiti rin nang ibalik sa kanya ang tingin.

"Hi, Auntie Montana." Awkward siyang ngumiti rito. Auntie talaga? Pwede namang ate lang. 

"Iolanthe...hi! Nandito ka?"

"Tapos na klase mo?"

"Mm. Palabas na ako, actually. Inaayos ko lang gamit ko." Ipinakita niya rito ang hawak na notebook na kasalukuyan niyang ipinapasok sa bag.

"Good. Pinapasundo ka sa akin ni mamita. Punta raw tayo sa shop. Then, si Uncle Soft susunod na lang. Doon na lang daw kayo magkita."

"Bakit daw?"

"May mga bagong collection daw ng wedding ring. Baka may magustuhan ka para sa kasal ninyo ni Uncle Soft!" She emphasized the words 'kasal' and 'Uncle Soft' before glaring at Harold. Her eyes seemed to flash with flashes of lighting, crackling with an electric current that threatened to strike at any moment.  They held silent warning. Pero bakit parang galit ito kay Harold?

"Ikakasal ka na?" biglang napatanong si Harold.

"Are you deaf or stupid?" pagtataray ni Iolanthe kay Harold. Biglang nagbago ang timpla nito.

"Engage na siya sa Uncle Soft ko kaya tigilan mo ang pagpapa-cute sa kanya!"

Napakamot si Harold sa ulo. "Taray mo naman para nagtatanong lang."

"Let's go, Auntie Montana." Hinawakan ni Iolenthe sa palapulsuhan si Montana at hinila ng patayo hindi pa man niya naisasara ang kanyang bag.

"Bakit tinarayan mo si Harold? Kilala mo ba siya?" tanong niya nang nasa labas na sila.

"Nah! Ngayon ko lang siya nakita. I just need to warn him."

"Warn him of what?"

"To not pursue you or else he's gonna fuck up."

"Kaibigan lang si Harold. Walang gusto sa 'kin 'yon."

"He has. Based on the way he looked at you. He's probably in love with you. Hindi ba siya nagku-confess ng feelings niya sa 'yo."

"No!" Napaisip siyang bigla sa sina Malapit sila ni Harold. Buddy nga sila. Ilang beses na rin itong nagpumilit na ihatid siya sa bahay pero kailanman ay hindi siya pumayag. May limitasyon pa rin siya sa pakikipaglapit gaano man ito kabuti. Iniiwasan niyang magkaroon ng malalapit na kaibigan sa eskwelahan na ito dahil sa totoo niyang pagkatao. Hindi niya rin pinag-isipan na may gusto sa kanya si Harold.

"He has a thing for you. Better tell him to stop that feeling because you are already engaged. Or better huwag ka ng makipagkaibigan sa kanya."

"Sige," sabi na lang niya para hindi na humaba pa ang usapan. Parang gusto na nitong diktahan ang buhay niya. Ganito nito protektahan si Soft. Tiyak mapapatay siya nito kapag nalaman nito ang tunay niyang motibo kay Soft.

Ikinawit ni Iolanthe ang braso sa braso ni Montana habang naglalakad sila patungo parking area.

"Are you pregnant?" Gulat siyang napatingin dito.

"Well, kasi nagmamadali kayong magpakasal."

"Hindi. Ang uncle mo ang nagmamadali. Kung ako nga lang gusto ko e-enjoy muna namin ang ganito." It's partly true even though it's the plan. She wanted it fast—she wanted to work as fast as possible to have a quick result, but then she suddenly wanted it sluggish. She even wished to pause the time, so that she and Soft can have more moment. So stupid!

Bachelor's Inferno 2: Venomous Seduction Where stories live. Discover now