Chapter 6

22.4K 1.3K 263
                                    


The entire family enjoyed their lunch together. A long table was set up in the garden under a tree, and all of the chairs were occupied. Sa kabilang bahagi palang ng mesa ukapado na ng pamilya ni Ryke habang sa kabilang bahagi naman ng mesa ay ang tatlong lalaking magkakapatid kasama ang pamilya ni Frankus. Ang mag-amang sina Elesio at Wilson ang umokupa ng puwesto ng patriarch, katabi ni Soft ang matanda habang si Wilson ay katabi ang esposa. Si Hector naman ang tumabi kay Sasahh habang katabi nito sa kabila sina Aaliyah at Xiela. Malaki ang pamilya nila kaya naman masaya lalo kapag nagtitipon-tipon ang lahat. Kaya nga hindi niya man lang iniisip ang magkaroon ng sariling pamilya dahil hindi naman niya nararamdaman na kailangan. He has a lot of nephews and nieces. Magugulo. Masaya. Mga pasaway katulad na lang ni Iolanthe na nagkukuwento ngayon sa mga ganap sa buhay estudyante nito. Nakukunsume ang mga magulang nitong si Ryke at Violet dahil sa kakaibang pananaw ni Iolanthe—she did not want to have a child but willing to experience the first kiss, the hook-up and everything. Pinatahimik na ito ng nanay.

Tumikhim si Frankus para kunin naman ang atensiyon ni Wilson. "Ako, Dad, may kuwento rin. Tiyak matutuwa ka, Mom."

Napatuwid ng upo si Sasahh. Nakuha ang buong atensyon. "Hmm. Don't tell me Lavender is pregnant."

Tumawa si Frankus. "Sana nga po... kaso hindi po, e."

"So, ano nga ba?"

"We went to jewelry store... Hector—" Agad na napatigil si Frankus nang mapagtantong naroon si Xiela. Nagbabala rin ang titig ni Hector kay Frankus. Ayaw nito ng aberya kaya hanggat maaari ay ayaw nitong malaman ng ex na may balak na itong mag-propose kay Andrite.

"Nagpasama ako kina Hector at Kuya Soft sa jewelry shop. Si Kuya Soft ang nag-suggest ng store. Alam niyo bang mukhang suki si kuya Soft sa jewelry store na 'yon?"

"Ito ba 'yong Bijoux?" ani Sasahh.

"You knew?"

"NakakaiIang bili na ang kuya mo ng alahas para sa akin sa shop na 'yon lately. Pinagsabihan ko na ngang tama na kasi napakarami ko ng alahas... and I have my own jewelry shop... Ewan ko riyan kay kuya mo," ani Sasahh.

"Sinabi ko nga na sa shop mo na lang pero ipinilit niya ang shop na 'yon. And guess what, Mom... iba-ibang babae ang dinadala ni Kuya sa shop na 'yon para bilhan ng alahas."

"Magtigil ka nga, Frankus. Ako na naman ang nakita mo," sita ni Soft sa kapatid.

"He regularly visited the store to purchase jewelry. But that's only his pretext for catching a glimpse of the apple of his eye.

"Apple of the eye?" curious na tanong ni Sasahh. Gustong matawa ni Soft sa ningning na nakita sa mata ng ina. Apple of the eye palang ang narinig pero daig pang pagpapakasal niya ang inanunsiyo ni Frankus.

"Ang totoong pinupuntahan niya talaga sa shop ay iyong sales associate. Bumibili siya ng alahas para lang magpapansin sa sales associate," patuloy na pambubuko ni Frankus sa kapatid.

"Oh. Really, son?" Napatawa si Soft nang bahagya pang nag-bounce ang ina sa kinauupuan sa sobrang tuwa.

"That's good. Oh, my god!" Sasahh clapped her hands together excitedly.

"Natotorpe ka ba? Do you want Mommy to help you?"

"Mom, no!" mariin ang pagkakasabi ni Soft. Nawala ang kaaliwan. Bigla siyang kinabahan sa maaaring gawin ng ina.

"What's her name? Maganda ba?"

"She's gorgeous but can't match Lavender's beauty," mabilis na tugon ni Frankus sa taning ng ina. Si Lavender ay bahagyang nanlaki ang mata sa tinuran ng asawa.

"Magtigil ka nga!" nahihiyang sita ni Lavender.

"That's true. 'Di ba, Hector?"

Nagkibit si Hector. "Basta ang alam ko Andrite is more gorgeous."

Bachelor's Inferno 2: Venomous Seduction Where stories live. Discover now