Chapter 26

17.8K 806 40
                                    

SHE'S very busy preparing her case study report when Soft came to her apartment with food. Thankfully, Cleo is not here and maybe will be home tomorrow. May pupuntahan raw ito at hindi na niya inusisa pa dahil sanay naman na siyang lagi itong wala. Hindi naman nga niya talaga ito kasama rito, nito lang dahil iyon ang gusto ni Trey, para mabantay raw siya.

Mula sa laptop sa harapan ay bumaling siya kusina kung saan naroon si Soft. Nangiti habang pinapanood itong inaayos ang pagkaing dala. Natitiyak niyang hindi nito ginagawa ang ganito sa bahay nito. Maraming katulong ang nagsisilbi rito pero ngayon ay ipinaghahanda siya ng pagkain.

Mabilis niyang ibinalik ang mata sa laptop nang mag-angat si Soft ng tingin sa kanya. Naramdaman niya ang paglapit nito. Inilapag ni Soft ang dalawang plato sa center table kung saan siya nakapuwesto. Muli itong bumalik sa mesa para kunin ang iba pang pagkain. One plate had mini hotdogs that were wrapped in crescent roll dough. Sa isa ay chicken wings. Naglapag pa ito ng isa pang plato na naglalaman naman ng crab rangoons at box ng pizza, ang huli ay Banana iced-coffee.

Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. The fact that he remembered the drink she enjoyed warmed her heart.

"Ang dami naman niyan." Naupo si Soft sa tabi niya sa lapag. Kumuha ito ng mini hotdog na nababalot sa tinapay.

"Pigs in a blanket. Try this." Tinanggap niya naman iyon. Iyon pala ang tawag doon.

"Hmm. Masarap."

Tumingin si Soft sa laptop niya. "What's the topic of your case study?"

"Nokia's downfall."

"Hmm. Tapos ka na?"

"Almost."

"Do you want pizza?" Kumuha si Soft ng slice at agad na inilapit sa bibig ni Montana kahit hindi pa man siya um-oo. Tinanggap niya iyon at napangiti. Kumuha naman si Montana ng Pigs in a blanket at sinubuan din si Soft.

"Sabi ng mommy mo usually kapag Saturday nagwo-work ka pa rin. Wala kang trabaho ngayon kaya nagkaroon ka ng time pumunta rito?" Kinuha niya ang kape at sumimsip habang si Soft ay kumuha naman ng crab rangoons at sinubuan siya.

"No work on weekends from now on. I'd like to spend the entire weekend with you."

"Hmm." Mabilis niyang itinuon ang atensiyon sa laptop para hindi na makita pa ni Soft ang pagngiti niya. She appreciated that. Inabot niya ang mouse at nag-scroll.

"Nokia was once considered an industry leader in mobile phones, controlling a significant market share globally. Bakit nila hinayaang bumagsak sila? Sayang!" aniya habang pinapasadahan ang ng tingin ang report na ginagawa.

"Too confident about their status. They failed to recognize the significance of identifying market shifts and responding with appropriate strategies," tugon ni Soft na muling sinubuan si Montana ng crab rangoons.

"Hmm. They failed to recognize the growing importance of smartphones and the shift towards a data-driven mobile ecosystem. As a result, it lost its market position rapidly, resulting in declining revenues and brand reputation."

"Right," Soft agreed. Inusog nito ang sarili sa kanyang likuran. Ipinaikot ang isang braso sa kanyang baywang at muli siyang sinubuan ng pizza naman. Gusto talagang ipakain sa kanya lahat.

"Nokia got out of the business of cell phones. The company sold its cell phone division to Microsoft and shifted its focus to its other technological endeavors. Do you think it's a good move?" Isinandal niya ang katawan sa likod ni Soft. Agad namang isinubsob ni Soft ang mukha sa leeg ni Montana at marahang tumugon ng "hmm." Hindi nga niya alam kung tugon iyon sa tanong niya o reaksiyon sa pag-amoy sa leeg niya.

Bachelor's Inferno 2: Venomous Seduction Where stories live. Discover now