Chapter 9

22.2K 1.1K 133
                                    

"GOOD Morning, Son! Breakfast is ready." Malapad na napangiti si Soft sa salubong sa kanya ng kanyang mama mula sa morning run niya sa village.

"Take a bath then let's have breakfast."

"Okay, Mom. I'll be quick." Medyo nangunot ang kanyang noo sa kakaibang ngiti ng ina.

"You look happy—"

"And excited," mabilis nitong dagdag.

"Excited saan?"

"Basta!" She giggled, turning away from him. Napapailing na pumanhik si Soft ng hagdan at tinungo ang silid. Kinuha niya ang phone sa bedside table. He double tapped the screen, swiping it up and opened the message.

"Morning, bebe girl!" she said as he typed it. He hit the green arrow to send the message. Tinawagan naman niya sa Clarito pagkatapos.

"Okay na, Boss. Napadalhan ko na ng breakfast si bebe girl mo." Iyon ang bungad  sa kanya ni Clarito nang sagutin ang tawag wala pa man siyang sinasabi.

"Good job, Clarito." Ibinalik niya ang phone sa kinalalagyan saka dumiretso sa banyo. Matapos maligo ay nagbihis lang siya ng bermuda short at muscle sando, tiningnan ang phone kung may reply si Montana. Disappointed dahil wala. Sinubukan niyang tawagan pero hindi sinasagot. Nagpasya na lang siyang bumaba para samahan ang magulang sa agahan. Naroon na ang kanyang mama at papa kasama si Hector.

"Good morning, dad," bati niya sa ama na hinawakan sa balikat.

"Morning, bro," bati niya kay Hector na nakaupo sa tabi ni Sasahh bago hinila ang silya sa dulo, sa katapat ng ina.

"You are so radiant, son. I wonder what makes you radiant."

Marahang tumawa si Soft. "The skincare products you bought for me, probably."

Tumayo si Sasahh at umikot patungo kay Soft. Kinuha nito ang plato na naglalaman ng bacon at nilagyan ang plato ng anak.

"Thanks, Mom." He wrapped his arm around her mother's waist and nuzzled against her arm. 

"Aalis ka ba ngayong araw?" tanong ni Sasahh sa anak na naglagay naman ng pancake sa plato.

"Yes, Mom."

"Work? Sabado ngayon."

"Hindi po. May dadalawin lang na kaibigan."

"Oh! I love that." Bumalik si Sasahh sa kinauupuan.

"Gusto mo ba magluto si mommy? Dalhan mo ng pagkain."

Sa pagkakataon na iyon ay malakas na humalakhak si Soft. Her mother most likely assumed he'd pay a visit to a potential wife. But damn! She's absolutely correct. He intends to visit Montana today and ask her to go out with him on a date.

"Mm.  Flavio and Flavius will love that, mom." Bigla itong sumimangot. Disappointed na muli niyang ikinatawa.

"Hindi ba 'yong Montana ang dadalawin mo? Ano na ba ang nangyari? Kailan mo siya ipapakilala sa amin? O kahit sa 'kin lang muna."

"Mom, please!" natatawa niyang pakiusap.

"Ipasilip mo lang sa 'kin!" Her mother pouted, begging like a kid for candy, which made him laugh again.

Inabot ni Wilson ang kamay ng esposa. "Hayaan mo na muna ang anak mo. Don't rush him."

"He's too old not to rush." Tumawa lang uli si Soft pati na rin si Hector.

"Mom, love shouldn't rush, just let it happen. Ipapakilala ko siya kapag okay na." Nagningning ang mga mata ni Sasahh sa pangako ng anak.

"Oh, my god! Okay, I'll be patiently waiting." That changed her mood. She was more delighted and excited now. What if he disappointed his mother? No, no! If he disappoints his mother with this one, it means he'll fail in his pursuit of Montana, which can't be.

Bachelor's Inferno 2: Venomous Seduction حيث تعيش القصص. اكتشف الآن