Chapter 12

23.7K 1.1K 174
                                    

Kung napapansin ninyo ang ibang scene dito ay pamilyar dahil nandun din iyon Dust of Memories. Soft's POV nga lang. Iyong scene sa chapter na 'to na maraming nagalit kay Montana doon sa Dust of Memories.😅

***

HINDI magkandaugaga si Soft sa pagpili ng isusuot. Be good looking. Iyon ang paulit-ulit niyang naririnig na paalala ng kanyang mama. Nailabas na niya ang halos lahat ng damit mula sa walk-in closet na sa tingin niya ay babagay sa kanya at ikinalat na niya sa ibabaw ng kama pero hindi pa rin siya makapili. Briefs palang ang naisusuot niya. He never thought choosing an outfit to wear would be difficult until now. Hindi niya alam kung ano ang babagay sa kanya. Iyong ma-i-impress man lang sana si Montana.

"Soft?" Ang kanyang mama na pumasok sa pinto ng kanyang silid.

"Hindi ka pa rin nakabihis? Magsisimula na ang dinner. Ikaw na lang hinihintay." Humakbang ito palapit sa kanya.

"I don't know what to wear. Wala akong mapili."

Sinulyapan ni Sasahh ang nagkalat na damit sa kama at hindi mapigil ang mapangiti. "Ngayon ka lang yata nahirapan sa pagpili ng isusuot, ah? Binata na talaga ang second child ko. Napi-pressure na." Sasahh reached for a plain white shirt and grey flannel ankle chino trouser.

"Ito na lang ang isuot mo. It's just a casual dinner, Son." Kinuha iyon ni Soft mula sa ina.

"Bilisan mo. Pair it with loafers."

"Okay, Mom. Thanks. Usap tayo mamaya tungkol sa bagay na ito. Masyado kang nanggugulat." Bumungisngis ang kanyang ina bago lumabas ng silid.

Hinaltak ni Soft ang tuwalya na nakapaikot sa kanyang baywang at itinapon iyon sa ibabaw ng dulo ng kama saka isinuot ang damit na pinili ng ina. Nang masigurong maayos na ang itsura ay lumabas na siya ng silid suot ang itim na loafers at bumalik sa hardin kung saan naroon ang lahat. Agad na nagtama ang mata nila ni Montana kaya natigil siya sa paghakbang. Ramdam niya ang kaba na gumapang sa bawat himaymay niya dahilan para magmura siya. This is fucking insane. This woman made him feel all the strange emotion he never felt before.

"Soft, dito ka na," tawag sa kanya ng kanyang mama na nakaupo sa bahagi ng mesa kung saan din nakaupo si Montana. May bakanteng silya sa pagitan ni Montana at ng kanyang mama kung saan siya pinapaupo ng kanyang mama.

"Go, Uncle Soft! Go go go!" Iolanthe cheered gleefully. He was aware that she had meant to encourage him. Nang-aasar lang ito. Naglakad si Soft. Bago marating ang mesa kung nasaan naroon ang mga kapatid at magulang kasama si Montana ay madaraanan niya ang mesa ng mga pamangkin. Nang nasa likuran na siya ni Iolanthe ay huminto siya roon. Masyadong masaya si Iolanthe kapag may naaasar at kanina pa nito inaasar ang mga kapatid at pinsan. This little brat should be bothered a bit. Masyadong masaya. Kailangan ligaligan ng kaunti para maramdaman nito ang ginagawa nito sa iba.

Ipinatong niya ang dalawang kamay sa ibabaw ng sandalan ng upuan ni Iolanthe, ibinaba ang mukha sa gilid ng ulo nito at bumulong. "Do you know the Navarro Family?" gumalaw lang ang mata ni Iolanthe para sulyapan siya.

"The religious family," he said.

"Oh. Iyon po bang laging dinadasalan sina Mamita kapag may gathering?"

"Mismo!"

"What about them?

"Kilala mo ang nag-iisa nilang anak?"

Bachelor's Inferno 2: Venomous Seduction Where stories live. Discover now