Chapter 17

27K 1K 141
                                    

Anguish flickers across her face, like a storm brewing beneath a calm exterior. She immediately shut her eyes. The myriad of emotions are about to overwhelm her, she's afraid she might lose her control. Her knuckles turned white as she clenched them tightly even more, trying to grasp hold of the scattered thoughts racing through her mind. It felt as if she's on the precipice of crumbling beneath the immense pressure she felt. She tried to push back against the tides of despair threatening to engulf her, drawing in a rattled breath in an attempt to stabilize herself.

"Hey, miss, are you okay?" Unti-unting nagmulat ng mata si Montana nang marinig ang boses. Ipinagpasalamat niya ang paglapit nito dahil na-distract nito ang emosyon niya. Bumungad sa kanyang paningin ang mukha ng isang lalaki. Matangkad ito kaya medyo umuklo para ipantay ang mukha sa kanya. His lips, subtly curved in a confident smile.

"Nahihilo ka ba? Need help?" Inilahad nito ang isang kamay sa kanya.

"May clinic rito. Or baka gusto mo sa office ko magpahinga okay lang naman sa 'kin." Medyo napataas ang kilay niya sa sinabi nito. He's not really concerned. May ibang balak.

Men!

Lumagpas ang tingin niya sa lalaki nang makita ang pagdating ni Soft. Mabilis itong naglalakad palapit sa kanila.

"Or if you need more privacy sa hotel tayo—" Napaawang nang malaki ang bibig ni Montana nang malakas na batukan ni Soft ang lalaki hustong makalapit ito dahilan para maputol ang sinasabi nito.

"Fuck you!" Mura ng lalaki sabay harap kay Soft. Si Soft ay agad siyang nilapitan, inilingkis ang isang braso sa kanyang baywang.

"At bakit mo dadalhin sa hotel ang girlfriend ko, Flavius Josephus?"

Umawang ang bibig ng lalaki na tumitig kay Montana. "Girlfriend? Girlfriend ka ni Uncle—ouch!" Napatalon ito nang sipain ito ni Soft sa binti.

"Ano'ng uncle?"

"Edi tito."

"Aba't talagang!" Natatawa itong lumayo kay Soft.

"Peo seryoso? Girlfriend mo siya?" Pinasadahan nito ng tingin si Montana mula ulo hanggang paa. Parang hindi makapaniwala.

"She looks so young...o baby face lang dahil walang makeup at dahil sa suot."

"She's of legal age. Meaning adult." Kinuha ni Soft ang backpack mula kay Montana at isinukbit nito iyon sa kabilang balikat nito. Muli nitong ipinaikot ang isang braso sa baywang niya, mas mahigpit ang pagkakahapit nito sa kanyang baywang. Muling hinarap ang lalaki na tinawag nitong Flavious Josephus.

"But not single, and not ready to mingle, so backoff." Tinapik ni Soft sa braso ang lalaki bago nilagpasan.

"Bumalik ka sa office mo. Hindi pa-break gala ka nang gala. Isusumbong kita sa tatay mo," pahabol na paalala ni Soft habang papalayo sila.

"I'm just looking around to find a woman that can entertain me. Bored na bored na ako sa office," reklamo ng lalaki. Hindi na ito pinansin pa ni Soft. Tuloy-tuloy siya nitong ginaya sa direksiyong hindi niya alam kung saan patungo.

"You surprised me with your sudden visit."

"Maaga kasing natapos ang klase. Naisip ko lang na bumisita rito. Baka kako may sakit ka. Two days kang hindi nagpakita."

Malapad na ngumiti si Soft. "Did you miss me?" Hindi na nakatugon si Montana nang dumiretso sila sa nakabukas na elevator. Nagulat ang mga sakay roon nang makita si Soft na para bang bibihira ng mga itong makita sa sarili nitong building. Pero higit ang gulat ng isang sakay roon, pero natitiyak niyang kayang tapatan ng gulat na nararamdaman niya sa kasalukuyan ang gulat nito. She's already expecting to see Klouber here but she's still surprised.

Bachelor's Inferno 2: Venomous Seduction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon