Chapter 5

24K 1.2K 254
                                    

Why is he fucking like this? Bakit bigla siyang naging torpe? He isn't like this. Never. He has always exuded too much confidence around women. "Hi beautiful" palang sinasabi niya ayaw ng umalis sa tabi niya.

"Kuya?" untag ni Frankus dahilan para ikurap niya ang kanyang mga mata. Tinapik nito ang binti niyang nakaunat sa sofa na kinahihigaan. Agad siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Tumabi sa kanya si Frankus. Itinapon naman ni Thunder sa kanya ang lata ng Heineken na agad niyang sinalo at naupo ito sa kabilang sofa sa tabi ni Four.

"Ano ang problema? Kanina kapa tulala?" Binuksan niya ang beer at uminom mula sa lata at kapagkuwan ay umiling.

"Negosyo o babae?" tanong ni Hunter na nakahiga sa kulay dilaw na bean bag, kumakain Lays. Kasalukuyang silang nasa tambayan nila. Ito ang tambayan nilang magbabarkada mula mga bata palang sila. Toddler palang sila ng bilhin ang lote ng mga magulang nilang magkakaibigan para gawing playground nang sa gayon ay hindi nila kailangan maglaro sa park. Pinayuan ng bahay pahingahan. Nang lumaki sila ay ginawa nilang tambayan ito at in-enhance nang in-enhance.

"Wala." Sumandal siya at ngumisi kay Hunter. Kapag sinabi niya ang totoo ay tiyak na pagtatawanan siya ng mga ito. Mamatay na siya hindi siya magsasabi ng problema pagdating sa babae. Ipinagpatuloy niya ang pag-inom. Noon halos araw-araw silang nandito pero nang magkaroon na ng kanya-kanyang pamilya ay naging madalang na. Wala na ring outsider na babaeng nakakatungtong dito. Si Thunder ang mahilig magdala ng babae rito noong binata pa kaya galit na galit lagi sina mga kaibigan nilang babae dahil ang lalandi raw ng mga babae. Siya naman ay wala pang dinala rito kahit na isa. This place is special for them. Tama ang sina Lavender. Silang nga babae lang dapat ang tumatambay rito kasi matigas ang ulo ni Thunder.

Pasimple niyang tiningnan si Frankus na kasalukuyang kausap si Lavender sa phone. He is now pondering how he courted Lavender? Pihikan ang babaeng iyon. Kung ibabase talaga niya sa pagkakakilala kay Lavender hindi talaga uubra si Frankus.

"I love you." Tinapos nito ang tawag ng isang "I love you" at mukhang tangang nakangiti. He's so in love with his wife.

"Paano mong niligawan si Lavender?" hindi mapigil niyang naitanong.

"Mm?"

"Did you behave well? Eh, pihikan 'yon. Si Kuya Ryke ang ideal man niyon."

"Wow, ah! Noon 'yon!" Tumawa si Soft sa pagkayamot ni Frankus na mukhang selos na selos pa rin sa panganay nilang kapatid na siyang first love at first boyfriend ni Lavender.

"Oo nga, noon 'yon. So, tell me how come she fell in love with you."

Nag-pogi sign ito. "Ako pinakamay-intense na sex appeal sainyo."

"Sumagot ka nga ng maayos. Sex appeal doesn't make woman fall for you. Paano mo nga siyang niligawan? Did you change your image? Nagpakabait ka?"

"Mabait naman talaga ako."

"Hindi! You fucking threw my guitar from veranda."

Malakas na humalakhak si Frankus. "Grabe! Dalawang dekada na 'yon hindi mo pa rin nakakalimutan." Hindi niya talaga makakalimutan 'yon. It's his dream to get that guitar and her mother got it by bidding tapos sinira lang ng batang ito.

"Forget it, Kuya. Balik tayo sa tanong mo. I did not change when I was courting Lavender. I was just being myself. Kung ano ang ugali ko, 'yon ang ipinakita ko. Pinagtabuyan nga ako pero matigas ang ulo ko. Type na type ko, eh. Kaya ayon nahulog sa 'kin at ngayon patay na patay sa 'kin," pagyayabang nito.

"Mas patay na patay kaysa sa mas patay na patay ka sa kanya? Eh, ikaw nga tumawag para kumustahin."

Ngumisi si Frankus. "Syempre hindi. Mas mahal ko 'yon kaysa sa mahal niya ako." Napangiti naman si Soft sa narinig mula sa kapatid.

Bachelor's Inferno 2: Venomous Seduction Where stories live. Discover now