Chapter 22

21.9K 968 168
                                    

"MARAMI BANG bisita?" tanong ni Montana kay Soft matapos bumaba nang sasakyan. Pinagmasdan niya ang mansiyon na nasa harapan. Napakalaki ng bahay na ito para sa isang maliit na pamilya. Hindi naman masasabing maliit ang pamilya Dela Fuente, katunayan ay malaki talaga ang pamilyang ito. Kakaunti lang ang anak ng mag-asawang Dela Fuente at pulos lalaki pa pero bumawi naman sa mga apo. Doon lang sa panganay na anak na si Ryker ay muntik ng maging isang dosena ang apo. Pero may kanya-kanya namang bahay ang mga ito kaya ang talagang nakatira na lang sa mansyon ay ang mag-asawa at si Soft. 

"Mga malalapit na kaibigan lang," si Soft na tumayo sa tabi ni Montana, ikinawit ang kamay sa kanyang baywang at tumingin sa mansiyon na nasa harapan.

"Ang laki talaga ng bahay ninyo," komento niya.

"Punuin natin ng anak 'yan." Bumungisngis si Montana, ikinawit ang braso sa baywang ni Soft.

"Kaya mo pa kayang makarami?" Salubong ang kilay na humarap si Soft kay Montana kaya muli siyang tumawa.

"Hinahamon mo ako?" Nagkibit lang siya, inalis ang kamay sa baywang nito at hinawakan ang kamay ni Soft.

"Nagtatanong lang naman." Niyuko ni Montana ang sarili para suriin ang suot. Hindi naman siya madaling ma-conscious sa damit na kanyang isinusuot pero ngayon ay talagang binusisi niya ito. Sabi nga, your outfit is the first thing someone sees, and unfortunately, the first thing they judge about you. Gusto niyang magmukhang presentable sa harapan ng pamilya ni Soft dahil ngayon ni Soft ipapaalam sa pamilya ang balak nilang pagpapakasal.

"Maayos ba ang suot ko?" Isang puting sleeveless double-breasted tweed blazer mini dress ang kanyang suot at itim na flats.

"You are elegant." Malawak siyang nangiti sa tinuran nito. Inakbayan ni Soft si Montana na hindi inaalis ang pagkakahawak sa kamay. Naglakad sila papasok ng bahay. "Kaya mo bang magbuntis taon-taon." Napuno ng masayang tawa ni Montana ang loob ng bahay pero bigla rin natutop ang bibig nang mapagtanto ang eskandalosa niyang pagtawa.

"Maybe. Basta ba bibilhin mo ang mga cravings ko kapag naglihi ako."

"Of course. Kahit ano pa 'yan." Nakatanggap ng mabining halik ang gilid ng kanyang ulo mula kay Soft. Iginiya siya ni Soft patungo sa pintong palabas ng hardin. Bigla siyang kinabahan nang makita ang mga bisitang naroon. Bawat mesa ay ukupado. Ayon kay Soft ay selebrasyon ito dahil sa pagkakabawi ni Hector at Andrite sa anak na si Porcelain.

Si Sasahh ay biglang tumayo mula sa pagkakaupo nang makita ang pagdating nila. Nakabuka agad ang mga braso nito para sa kanya.

"I'm glad you are here, hija. How are you?" Nahihiya siyang yumakap sa babae.

"Okay naman po. Kayo kumusta?"

"I'm very fine and very happy, Sweetie. Lalo nakikita kong laging sobrang masaya si Soft. Higit lalo mula pagdating ninyo mula sa out of town ninyo."

Humalik si Soft sa ina. Bumati sa iba pa at pinakilala rin siya sa ibang bisita. Si Sasahh mismo ang nagpakilala sa kanya sa mga kaibigan nitong naroon at hindi nawawala ang salitang, she's Soft's girlfriend after introducing her name. Nakakatuwa rin ang reaksiyon nito dahil parang ang saya-saya nito habang ipinapakilala siya na para bang napakalaga niyang personalinad. Naupo silang magkatabi ni Soft sa mesa kung saan naroon ang mga magulang at mga kapatid nito.

"Soft told me you visited your siblings?" tanong ni Sasahh.

"Opo," tipid niyang tugon.

"Pupunta raw kayo sa Malaga?"

Bumaling siya kay Soft para ito ang pasagutin sa tanong ng ina. Wala rin naman siyang ideya kung kailan ni Soft balak magpunta. Nabanggit lang nito iyon sa kanya pero hindi niya rin inaasahan kung matutuloy nga.

Bachelor's Inferno 2: Venomous Seduction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon