Chapter 21

25.3K 991 51
                                    

PINAGMASDAN ni Montana ang dyamante sa singsing na kumikinang sa ilalim ng ilaw sa lanai. Isinabay niya iyon sa singsing na unang ibinigay sa kanya ni Soft. Hindi niya mapigil na mangiti. Hindi niya ito inaasahan sa totoo lang. Hindi niya akalain na may dalang singsing si Soft.

"Why is it sudden? Plan mo talaga 'to? Masyado bang magaling ang sexual performance ko para makatanggap ng marriage proposal." Malakas na humalahak si Soft sa sinabi ni Montana. Hinigpitan nito ang pagkakayapos sa kanya. Hinalikan siya sa noo. Kasalukuyan silang nasa lanai at pinagkasya ang kanilang mga sarili sa rocking chair ni Nanang Olivia na nakapuwesto rito.

"I just saw the ring in my mom's shop. Ikaw ang agad na naisip ko nang makita ko 'yan. So, binili ko. Ilang araw ko na rin 'yang dala-dala." Masuyo nitong pinaglandas ang mga daliri sa kanyang braso.

"Kanina, habang nasa byahe tayo at makatulog ka. Habang pinagmamasdan kita nagkaroon ako ng realization. I told myself it was you...ikaw na talaga. Sigurado akong ikaw na ang gusto kong makasama habang buhay. Sabi ko sa sarili ko magpo-propose ako. Pero hindi ko inaasahan na gagawin ko ngayon. Syempre gusto ko iyong proposal na pangarap ng mga babae. Yung may effort, grandioso...kaso ang pagkagiliw sa akin ng mga kapatid mo ang lalong nag-udyok sa 'kin na ngayon na nga kita alukin ng kasal...I told them my plan, and they wanted to witness it, so, I did it now. Sorry for not putting effort."

"No!" Iniba ni Montana ang posisyon ng katawan. Humarap siya kay Soft at idinagaan ang kalahati ng katawan sa dibdib nito.

"It was actually too much. It's so romantic."

"Do you like it?"

"No! I love it." Naghatid iyon ng ngiti sa labi ni Soft. Hinawi nito ang buhok niya.

"I love you."

"I love you, too. I do." Nang hagkan siya ni Soft ay agad niyang tinugon ang halik nito. Umungol ito nang siya mismo ang nagpalalim sa mabagal lang naman na halik nito. She loved kissing him. Ipinatong niya ang isang kamay sa hita nito para iposisyon ang katawan pero hindi sinasadyang sa umbok nito iyon maipatong. Mas malakas na umungol si Soft. Ang pagkakahawak nito sa likod ng leeg niya ay humigpit.

"God, Montana! You are giving me a boner," bulong nito sa labi niya at muli siyang siniil ng halik, ngayon ay agresibo na ito at siya naman ang nalunod. Hindi naman niya inalis ang kamay sa umbok nito at sa katunayan ay pinisil pa niya iyon.

"Sa kwarto tayo," pagyaya ni Soft na nagsimula nang lumalim ang paghinga.

"We can't sleep together. Makukurot tayo parehas ni Nanang Olivia."

"God, I wanna make love to you." Minasahe nito ang batok niya dahilan para umungol si Montana. Minasahe naman niya ang umbok nito.

"You are a tease," he breathed out.

"Ehem!" Mabilis na nailayo ni Montana ang sarili kay Soft nang marinig ang tikhim. Mariin niyang itinikom ang bibig nang makita si Nanang Olivia sa may pinto.

"Hindi pa rin kayo kasal. Tigilan ang pakikipaghalikan, Montana," saway nito. Si Cleo ay sumulpot din mula sa pinto, nakahalukipkip.

"Medyo matatakutin ako, Nanang Olivia, lalo sa ganitong lugar. Kailangan ko ng kasama sa kwarto." Pinisil ni Montana ang ilong para pigilan ang sariling matawa sa kasinungalingan ni Soft.

"O siya...sandali at kukunin ko ang unan ko at tatabihan kita." Noon ay napahagalpak ng tawa si Montana.  Si Soft ay napakamot na lang sa ulo.

"Si Nanang Olivia naman. 21st century na ho tayo. Matutulog lang naman hong magkatabi," pagrarason pa ni Soft.

"Wala akong pakialam kung nasa modernong panahon na tayo ngayon. Nakikita mo ba kung gaano kakinis 'yang apo ko? Hindi ko 'yan pinapadapuan sa lamok tapos ikaw kung tuka-tukain mo lang diyan!"

Bachelor's Inferno 2: Venomous Seduction Where stories live. Discover now