Chapter 16

24.5K 996 160
                                    

14 Years Ago.

In the backseat of the car, Klouber sat patiently, her small frame barely visible beneath the seatbelt. Her eyes wandered aimlessly, searching for something to capture her attention. Outside, the world buzzed with activity, but inside the car, time seemed to stand still.

As minutes turned into what felt like hours, a yawn escaped her lips, betraying her growing weariness. Her eyelids grew heavy, and she fought to keep them open. The monotony of waiting began to take its toll, as her boredom settled in like a heavy fog.

"Inaantok ka na, señorita?" asked their family driver, Tatang Oscar.

"A bit po, Tatang Oscar. Matagal pa ba si daddy? Can I go inside that building?" tanong ni Klouber na sinulyapan ang matayog na gusali. Sinundo siya ng kanyang daddy sa eskwelahan at kapagkuwan nga ay dumaan sila rito. Saglit lang daw pero ilang sandali na ang lumipas ay wala pa rin.

"Hindi maaari, Señorita. Bilin ng daddy mo na dito lang tayo."

Pouting, she rested her forehead against the glass window, and she watched the world outside blur into a hazy backdrop. Wala siyang nagawa kundi ang maghintay sa pagbalik ng kanyang daddy. The rhythmic hum of the car's engine provided a lullaby, coaxing her even more into a state of drowsiness. Her eyelashes fluttered, but before she could even succumb to the embrace of sleep, the dirty ice cream vendor stopped on the sidewalk where their car parked. Nawala nang tuluyan ang kanyang antok at pagkainip.

Nilinga ni Klouber si Tatang Oscar para sana magpaalam na kung puwede siyang bumili ng ice cream pero may kausap ito sa phone nito. "Sandali, hindi kita marinig. Napuputol," anito na binuksan ang pinto sa driverseat kung saan ito nakaupo.

"Diyan ka lang, Señorita," bilin nito sa kanya bago tuluyang lumabas. Ibinalik ni Klouber ang tingin sa vendor. Kasalukuyan itong naglalagay ng kulay dilaw na ice cream sa brown na apa. Lalo siyang natakam sa isip na mangga ang flavor niyon. Nilinga niya si Tatang Oscar, kasaluyan itong tumatawid sa kalsada. Bumuntong-hininga si Klouber na ibinalik ang tingin sa nagtitinda ng sorbetes. Natapos na nitong bigyan ng ice cream ang dalawang bumibili. Nagpasya siyang bumaba. Bitbit si Rebecca, ang kanyang manika ay bumaba siya ng sasakyan at nilapitan ang vendor.

"Hello, Mamang Sorbetero?" bati ni Klouber sa lalaki.

"Hello!" bati naman nito pabalik.

"I want ice cream."

"Baso ba o apa?" Ipinakita nito ang baso at apa. Itinuro niya ang apa.

"Bente lang."

"Bente? You mean twenty-pesos?"

"Mm."

"I don't have money. Nasa loob pa kasi si daddy." Tinanaw niya si Tatang Oscar pero nasa kabilang kalsada pa ito. May kausap pa rin sa telepono habang bumibili sa isang food stall doon.

"Aalis na ako. Hinahabol ko ang labasan ng mga estudyante diyan sa malapit na eskwelahan. Matagal pa ba ang daddy mo?"

Nagkibit siya. "No idea." May lumapit na mag-ina at bumili kaya iyon ulit ang inasikaso ng lalaki. Muli niyang tinanaw si Tatang Oscar. Hindi siya pwedeng tumawid sa kabilang kalsada. Iyon ang laging bilin sa kanya ng kanyang mommy. Ang paglabas lang ng sasakyan ay pagbali na sa rules at ayaw na niyang dagdagan pa. Delikado na ang tumawid lalo't marami na ang sasakyan na dumadaan.

Pumihit siya paharap sa building na pinasukan ng kanyang papa. Bigong bumuntong-hininga nang hindi pa rin makita ang kanyang daddy na lumabas mula roon. Nakuha ang atensiyon ni Klouber ng lalaking bumaba sa kotse na huminto sa harapan ng building. May kausap ito sa telepono. Nasa loob ng itim na trouser ang isang kamay. Naka-shade ito kaya hindi niya matukoy kung galit nga ba ito dahil parang matigas ang tono ng pananalita nito pati na rin ang bibig nito ay nakatiim. Tingin niya ay employee ito sa building na ito.

Bachelor's Inferno 2: Venomous Seduction Where stories live. Discover now