Prologue

208 7 0
                                    


"Zaff, next week pala ay isang linggo akong mawawala."

"What? Why? Your leaving me?" He made the puppy eyes.

"Sasama lang naman ako kay Kuya Dark sa meeting niya. Balita ko kasi ay may aasikasuhin siya roon na business din at ako naman ay pupunta sa Hospital doon para magtanong tanong tungkol sa kukuhanin kong kurso."

"Why not here?" Think a reason!

"Ka-kasi mas okay daw intern doon! Mas matututo ako."

"Eh dito rin naman ah? Tingnan mo nga si Ate Zol, doctor na. Dito rin naman nag-aral sa Pilipinas."

Niyakap ko siya ng mahigpit para maglambing. Gawain ba 'to ng nililigawan at ng nanliligaw?

"Tsk, isang linggo lang naman ako mawawala. 'Kala mo naman ay hahanap ako roon ng mas pogi pang manliligaw?"

"Aba, bakit? May mas pogi pa ba saakin huh? Lighht Mayscery?" His tone! My gosh!

"Oo," Matapang na sagot ko at ngumisi pa.

At ayon, napuno ng tawa ang buong kwarto niya sa kakakiliti saakin.

He stopped tickling me and let a heavy sigh. He stared at me.

Naging seryoso ang atmosphere namin.

"Basta't ipangako mo saaking babalik ka,"

Tumango na lamang ako at hindi na nagsalita.

All I can say is, sorry.

LUMIPAS na ulit ang mga araw. Wala akong sinayang na oras at araw para hindi kami magsaya. Lahat ng gusto kong gawin ay ginawa namin.

Sana, sana ganito rin kasaya kapag araw na para iwan siya.

Madali siguro sabihing gusto ko siyang iwan, pero mahirap gawin. Ngayon palang na iniisip ko ang mangyayari ay napapaiyak na ako.

Alam ko namang mali ang gagawin ko pero gagawin ko pa rin? Look how stupid I am.

I'm really sorry Zaffire.

Alam kong marami tayong pinagsamahan pero patawad. Ayokong pagsisihan ang desisyon ko ngayon kaya gagawin at susundin ko ang plano't desisyon ko na alam ko namang ikakasaya ko rin. Sana.

Hindi ko man masabing 'Oo, sinasagot na kita.' Maririnig mo naman 'yon sa babaeng tatanungin mo rin kung pwede bang ligawan kita.

Hindi siguro talaga tayo tinadhana at hanggang sa kaibigan lang.

Gustuhin ko mang manatili, ngunit hindi.

Naalala ko ang huling message mo saakin noon. Nawala ako sa isip mo noong kaarawan mo dahil lang sa may nakita kang babae 'diba? Paano naman ako Zaffire? Na sa taon na lumipas na ikaw ang isip-isip ko, ni isang lalaking nagpakilala saakin ay hindi naman kita nakalimutan. Bakit ganoon? Is't unfair?

Para lang tayong nagbigayan ng mga pangakong hindi naman matutupad. Exchange promises that are the same.



** 

aluzilei 

What Are WeWhere stories live. Discover now