Chapter 33

26 3 0
                                    


Zaffire will be going home in just one week. Since the day I saw their picture with that dancer, my replies become cold.

I'm being immature and didn't let him explain.

Baka mainis lang ako lalo. Sa tawag lang ba naman mag-e-explain kaya sinabi ko sa kanya na saka na siya mag-explain kapag nandito na siya.

Gusto ko rin magpalambing eh, gusto kong maranasan maglambing ang isang Engineer.

Naiinis ako sa kanya at nagseselos ako!

"Oh anong nangyayari sayo? Kanina pa kita hinihintay sa labas." Ano nga bang nangyayari sa akin?

"Nagpapapadyak ka pa dyan," Eh? Dahil 'to kay Zaffire eh!

"Hmp! Tara na nga!" Kinuha ko ang bag ko at hinila na palabas si ate Lex.

Nang lumabas kami ay nag-aayos na ng study area sila Mama Shee. Ngayon kasi ise-celebrate ang mga baby na magbi-birthday ng isang taon.

Abala silang lahat sa iba't ibang gawain. May nagluluto, may nag-aayos ng study area para doon mag-party at mayroon namang nag-aalaga sa mga bata. Kabilang na rin naman kami ni ate Lex kaya kami nalang ang mag-aayos ng loot bags para ibigay sa mga bata at ilang pa-prizes.

Hindi ako sigurado pero lima lang ang games na ginawa nila Andeng dahil mas gusto raw nila Mama Shee na puro kainan nalang. Marami rin kasi silang lulutuin kaya siguro ganoon.

Wala pa ang mga bata dahil may pasok pa sila kaya walang ingay at walang pakalat-kalat na bata nang dumaan kami sa may playground papunta sa parking lot.

Sumakay na kami ni ate Lex sa kotse ko at ako na ang nagmaneho papunta sa mall.

Naghiwalay na kami ni ate Lex, dumaretso na siya sa supermarket at ako naman ay pumunta na sa bilihin ng party needs.

Mamaya pa naman ang selebrasyon, mga alas singko pa para lahat ng bata ay nasa orphanage na.

Loot bags, cups at plates na may design, at balloons ang binili ko sa party needs store. Happy Birthday letters, banderitas, party hat naman ang dinagdag ko lang, para makulay bukod sa mga nilagay na disenyo nila Mama Shee. 

Pumunta na rin ako sa super market at hinanap si ate Lex.

Natutukso mang kumuha sa mga nadadaanan ay pinigilan ko pa rin ang sarili. Sasama nalang ako kay Mommy sa pag-go-grocery sa susunod. Para sila ang magbayad, hehe.

Nakita ko na si ate Lex na medyo marami na ang laman ng cart. Puro biscuits, juice, candy ang nandoon.

"Okay na ba 'to? Pang-lagay sa loot bags at pang-prize?" Tiningna ko muna ang cart bago siya sinagot.

"Baka nga sobra-sobra pa 'yan Ate, kaunti nalang magsisihulugan na 'yan dahil puno na sa cart."

Dito na rin kasi kami bumili ng pwedeng pang-prize para hindi na kami pupunta pa sa ibang store.

Nanlaki ang mata ko sa screen. 5k?!

Hindi pa umaabot ng isang libo ang pinamili ko kanina sa party needs tapos naka limang libo rito sa supermarket?

Binigay ko na kanina ang share ko kaya hindi ako manghihinayang ngayon magbayad.

Habang tulak-tulak ni ate Lex ang cart palabas sa supermarket ay naghahanap naman ako ng pwede naming tigilan.

Maganda sana kung milktea or coffee shop.

May nakita naman akong coffee shop na malapit sa may exit kaya inaya ko roon si ate Lex.

What Are WeWhere stories live. Discover now