Chapter 30

53 5 0
                                    


Natapos na ulit kami ni ate Lex sa sampung bata. Napa-isip pa kami kung ipapagpatuloy pa namin para matapos na lahat ng mga bata at ang mga matatanda naman ang para sa Lunes kaso masyado na kaming drained dahil maghapon na talaga tapos sinabayan pa ng init ng araw. Nawalan pa ng kuryente kaya grabe ang init. Init at pagod ang nararamdaman namin ngayon.

Alas cuatro y media palang at pansin kong kanina pa nandito sa may labas ng clinic ang mga kalalakihang nakita kong naglalaro kanina. Napansin ko rin kanina si Zaffire at Clark pero sa ngayon ay wala. Saan na naman kaya nagpunta ang dalawang 'yon?

Ti-next ko si ate Lex na isarado ang kurtina para hindi ko sila makita sa labas at para hindi rin nila ako makita. Wala naman silang ginagawa roon. Nakaupo lang at tahimik na nag-uusap.

"Anong ginagawa ng mga 'yan at dyan pa talaga tumambay sa harap?" I pursed my lips.

"Sinuway lang naman ako ate. Kakatapos lang kumain ay naglaro kaagad sa basketball court."

Mahina lang ang boses namin ni ate Lex, ayokong marinig at malaman nila kung bakit hindi ko sila pinapansin. Pinapansin ko naman pala sila, pero hindi ko sila gaanong kinakausap.

Napailing nalang din ako sa pagiling-iling ni ate Lex na may halong ngisi.

Saaming dalawa ni ate Lex, ako ang medyo strict, mabait naman ako pero mas mabait si ate Lex.

Hindi ko kayang hindi mainis at makaramdam ng tampo kapag may mga taong hindi nakikinig.  Napagbigyan mo na ng isa tapos uulit na naman. Sino ba namang hindi matutuwa roon?

Kaya ganito ako umakto, kahit hindi ko sinasabi na naiinis ako sa kanila ay alam na kaagad nilang may mali.

Pinag-usapan lang ulit namin ni ate Lex ang gagawin para sa susunod na linggo. Planado na ang lahat at nananalangin nalang kami na maging matagumpay kami sa mga plano namin.

Napag-alaman ko na nagkaroon pa ng ibang trabaho si ate Lex sa gabi, sa susunod na linggo rin ang start niya. Hindi naman daw sa club o bar at maayos naman daw ang magiging trabaho niya. Siguro.

Nauna lang na lumabas si ate Lex at sinabihan ko na paalisin na ang mga lalaki sa labas ngunit paglabas ko'y nandito pa rin sila. Kasama na nila ngayon si Zaffire at Clark na mukhang bagong ligo dahil basa ang buhok at may nakalagay na tuwalya sa balikat. Nakasuot na rin sila ng pang-alis.

Sorry kayo, magco-commute ako.

Kahit ang galing-galing niyo sa paglilinis ay magsawa kayong magpapansin.

Nilagpasan ko sila at dumaretso na sa silid namin ni ate. Nag-init muna ako ng mainit na tubig at inihanda na ang damit na susuotin. Simpleng cotton dress lang ang suot ko na hanggang ilalim ng tuhod ang haba. Hindi ito loose at sakto lang sa katawan ko. Hindi rin siya sleeveless, lalamig na rin maya-maya sa labas.

Pagkatapos maligo ay inayos ko lang ang gamit ko rito sa kwarto. Baka sa Lunes na ako bumalik dahil kailangan ko pang asikasuhin si Clarky.

Naupo muna ako saglit sa kama at napaisip sa pinag-usapan namin ni Fel kanina. Hindi ko maisip na may ganoong side si Fel, masyadong seryoso ang topic namin at kahit hindi niya alam ang lahat tungkol saamin ni Zaffire ay nasabi niya ang ganoon sa'kin.

Kakainin ko lang din pala ang sinabi ko na mag co-commute ako. Andami kong dala dahil sa maduming damit ko. Balak ko na silang labhan mamayang gabi para wala na ako masyadong gagawin bukas.

Lumabas ako nang dala-dala ang mga gamit na dadalhin ko sa bahay. Pagkalabas ko naman ay nakita kong nakaupo sa may bandang fountain sila Zaffire, kasama ang mga kabataang lalaki.

What Are WeWhere stories live. Discover now