Chapter 21

29 3 0
                                    


I woke up at noon. Ganito nga yata ang epekto ng panahon dito sa Pilipinas, tinatanghali ng gising.

I just took a shower and wore a loose blouse and below the knee denim shorts. I paired it with black birkenstock slippers.

I received a message from Coco earlier that he was downstairs. Was he there a while ago? Pero kung sabagay ay may dala namang laptop 'yon at kahit mag isang araw pa siyang nakaupo ay magtatagal talaga siya.

Nagvideo lang muna ako ng message ko kila Daddy at Mommy. 'Yung introduction ko ay sinabi ko lang kung bakit nawala ako. Tapos dinagdagan ko pa ng ibang pwedeng sabihin. Feeling ko kasi hindi magiging maayos 'yung message ko kung on spot kahit may script kaya nag-video nalang ako ngayon.

Nakailang take rin ako at inedit lang ng kaunti.

Pagkababa ko naman ay nandoon si Coco. Nakaharap sa laptop. Nakasuot ng airpods at seryoso sa ginagawa.

Nilagpasan ko siya at lumabas sa malapit na cafe. Bumili ako ng pwedeng breakfast ko at binilhan naman si Coco ng kape.

Hindi na ako umangal sa taas ng sikat ng araw na tumatama sa balat ko. Expected ko na kasi ito.

Patakbo pa akong bumalik sa loob ng hotel at humahangos na naupo sa tapat ni Coco. Nagulat 'ata siya sa presensya ko.

I gave him a sweet smile then I give his coffee.

Isinarado niya ang kaniyang laptop at tinago ang airpods.

Sinimulan ko ng kumain habang siya ay nilinga ang tingin sa paligid.

"Why people talking different language?"

"Natural, we're here at the Philippines. What do you expect to them? Talking english?"

"At some cases, yes. They are able to speak english, right?"

"Ewan ko sayo. Parehas kayo ni Kuya Blhack, akala ko hindi nakakaintindi at nakakapagsalita ng tagalog pero nagugulat nalang ako na mas daretso pa siyang magsalita."

"What? Talk slowly. I might still understand you."

"Nevermind. Do you want to roam around?" I asked him.

"Yes but I don't think I can. Look outside oh, so hot."

"Eh hindi ka pa naman nalabas."

"I went out earlier." My lips formed 'o'.

"Come with me nalang. Let's go buy gifts for Mommy and Daddy." Grabe. Iba ang breakfast ko ngayon! Tinapay na matamis at kape. Tinapos ko lang ang pagkain ko at sinimulan nang inumin ang kape.

"Your presence is already enough as a gift." Kill joy naman nito. Gusto ko lang naman lumabas eh.

"But, okay. I'll come."

Tumango nalang ako.

Bumalik muna siya sa room niya at binalik doon ang gamit niya.

Pagkabalik niya naman ay umalis na rin kami at sumakay ng taxi.

We went to a mall that only sells branded products.

"Woah. Buy that one oh." He pointed the Christian Dior bag.

MEDIUM LADY D-LITE BAG BLACK- $5,300.00 (USD)

Nakalagay doon sa harapan ng bag.

"How much it is in Philippine peso?" I asked the lady.

"310, 895.35 po Ma'am." Si Coco pa ang napaubo. 'Kala mo naman siya ang magbabayad.

"Okay, I'll get it." Tumango naman ang babae.

What Are WeWhere stories live. Discover now