Chapter 26

20 3 0
                                    


Dumaretso ako sa may department store. Pinili ko ang mga damit na sa tingin ko ay magugustuhan naman ng mga bata. Matalas pa naman ang isip ko kaya alam ko naman kung maliit o malaki ang katawan nung bata. Apat ang lalaki at tatlo naman ang babae.

Halos puro damit lang naman ang mga 'to. Hiniwa-hiwalay ko lang at pinabalot.

Sunod naman ay pumunta ako sa bilihan ng laruan. Hindi ko na pinag-iba-iba ang uri ng laruan. May barbie, lego, clay, cars, at iba pa.

'Yon lang ang hindi ko pinabalot.

Nang matapos ay lumabas na ako ng mall. Mahigit isang oras din ako.

Kapagod 'yon ah!

Hindi kasi dapat ako nagmamadali. Pero nagmadali pa rin hays.

Nagpahinga muna ako sa loob ng kotse at nilisan na rin ang lugar.

Pagka-park ko palang sa tapat ng bahay nila Pelin ay maingat ko namang kinuha ang mga pinamili sa compartment.

Dalawang malaking eco-bag ang dala-dala ko. Ang isa ay 'yung nakabalot na damit at 'yung laruan.

Iniwan ko nalang sa may sala ang isang eco-bag na may damit at pumunta ulit sa may likod.

Bigat ng dala ko.

Nilagay ko ang mga laruan sa may inflatable playground na nilalaruan ng mga bata. Isa-isa kong nilabas ang mga laruan at nagsipuntahan naman sila saakin.

Tinanggal ko lang ang mga kahon at plastic at hinayaan ko na sila doon.

At nagtungo na ako sa may matatanda.

Lahat ng tingin ay nasaakin. Pwera lang sa nag iihaw na si Khairenh at 'yung Kier ba 'yon.

Naupo ako sa tabi ni Zaffire at basta nalang kinuha ang basong hawak niya.

Buti't juice 'yon. Malamig pa.

Napabuga ako ng hininga dahil sa pagod at isinandal ang likod sa katawan ni Zaffire na gulat sa ginagawa ko.

Sorry Pard pagod lang talaga.

"Gaga ka! Ba't naman kasi bumili ka pa ng mga laruan! Pulang-pula ka oh!"

"Namumula sa kilig o sa init?"

"Ba't naman siya kikiligin? E sumandal lang naman kay Zaff--" Nangunot ang noo ko. Bakit tumigil? Napatihaya ako at tumingin kay Veyn.

Nagtatanong ang tingin ko.

Si Arry ang sumagot sa pamamagitan ng kaniyang nguso. Ngumunguso siya sa bandang,...hita ko?

Wth? Nakapatong lang pala ang kamay kaliwang kamay ni Zaffire sa may hita ko.

Kaya pala!

Hindi ko man lang napansin kanina?

Napakagat nalang ako sa labi at hinayaan 'yon. Ngingisi-ngisi naman ang mga loka at walang pakialam ang mga lalaki.

Napasandal nalang ulit ako sa balikat niya.

"Why did you bought toys at this time? Pwede naman mamaya ah? Napagod ka tuloy." Biglang sabi ng katabi ko.

"Nangako ako, tayo 'diba? Ikaw nakapagbigay na siguro, pera pa!"

"Bente pesos nga lang binigay ng kuripot na 'yan!" si Cain iyon. Kumuha siya ng tissue at nagpunas ng kamay niya.

"At least I gave them." Sagot naman ni Zaffire.

"Kuripot ka lang talaga. Buti pa 'yang si Lighht, libo pa ang binigay. Hindi nga lang pera." Parang dismayado pa niyang sabi.

Nagiging kuripot talaga ang mga lalaki pag umeedad na. Bilyon-bilyon na ang pera pero bente-bente lang ang nilalabas?

What Are WeWhere stories live. Discover now