Chapter 35 (2/3)

28 3 0
                                    


We arrived at the Callero International Airport at exactly 7pm. Naghintay lang kami ng ilang minuto para makasakay kami sa mismong eroplano.

Lahat kami ay naka-business class, hindi ko nalang alam kung sino ang nagbayad nito.

Katabi ko si Zaffire sa dalawang magkatabing upuan at si Clark ay katabi si Sprite sa unahang upuan namin.

Hindi ko alam kung bakit napagpasyahan nilang pumunta sa Dilim, may mga pasok ang mga bata at kami ring matatanda ay mayroon kaya nakakapagtaka kung bakit biglaan.

Dahil sa inaantok ako, natulog na muna ako dahil mukhang kulang din sa tulog 'tong katabi ko. Ang tahamik niya, kanina pa. Tinanong ko kung okay lang siya tapos sabi niya ay okay lang naman daw siya.

Hinayaan ko nalang muna siya at natulog na rin.

Akala ko'y magiging tahimik ang flight papunta sa Dilim dahil baka kako napagod na kanina sa van kaso hindi pala.

Hindi ko akalain na sa mga lalaking kasama namin ngayon ay sila pa ang pasimuno ng ingay.

"Guys, may joke ako." Si Range iyon. Akala ko talaga nagbago na siya, 'yung seryoso na tapos hindi pala.

Nakatayo siya sa gitna ng pasilyo kaya kita namin siya, hindi ko lang alam kung kita sa may likod namin.

May kinuha siya sa bulsa niya at binuklat ang papel, pinakita niyo 'yon saamin at napaikot ang mata ko sa nakasulat.

Sulat kamay na JOKE 'yon.

"Oh diba, may joke ako." Peke kaming tumawa.

Sumali si Kuya Kaza kay Range sa pagpapasimuno ng mga jokes na corny naman. Pinapanood lang namin sila na tumatawa sa sarili nilang sinasabi pero natatawa rin naman kami kahit papaano.

Natahimik din nang nag-announce ang piloto na ilang minuto nalang ay mag la-landing na ang eroplano.

"Are you good?" Takang tanong ni Zaffire at hinawakan ang kamay ko. Tumango naman ko at pumikit nang naramdaman kong pa-landing na ang eroplano.

Nakalipas ang ilang minuto, si Drella ang nag-asikaso saamin para maging maayos ang aming pagbaba. Flight Stewardes kasi siya.

Nagsitayuan na kami at kinuha ang ilang bagahe sa may itaas. Kinuha ni Zaffire ang akin at sinabi kong ako na maghihila.

Maingay pa rin kaming lumabas at sa paglabas namin ay sinalubong kami ng mga shuttle service kaya sumakay na rin kami kaagad.

Hindi pa nakaalis ang shuttle service dahil chineck muna kami ni Kuya Dark. Hindi naman siya ang punong abala ngayon pero siya pa rin ang nag-aasikaso.

Pagkatapos ulit ng ilang minuto ay umalis na rin ang sinasakyan namin.

Gusto pa sanang matulog kaso mabilis lang ang magiging byahe namin papunta sa mismong resort.

I rested my head on Zaffire's shoulder.

Kanina pa kami hindi nag-uusap at sa tingin ko naman ay pagod lang talaga kami parehas.

Nakarating na rin kami sa resort. Sa may hotel kami pina-daretso ni Kuya Dark dahil occupied na raw ang mga cottages na pinag stay-an namin dati.

"Ma, same kami ng room nila Sprite,"

"Are you sure? Pwe-" Hindi na natapos ang sasabihin ko nang sumingit si Sprite at inakbayan si Clark.

"Tita mawawalan kayo ng privacy ni Tito Zaffire kaya saamin na lang 'to sasama," Ngumuso pa siya para ituro si Clark. "Kakatok nalang po kami mamaya pag nananaginip," Tumawa pa si Sprite kaya umiling nalang si Clark.

What Are WeWhere stories live. Discover now