Chapter 14

29 3 0
                                    


A/N: This is quite long :)


Magdadalawang araw na simula nang gabing 'yon. Magdadalawang araw na rin simula nang makita ko si Zaffire. Hindi na nga niya nasabi ang dapat niyang sasabihin nung araw pagkatapos niyang sinabi iyon.

Drella said, boys need to do this activity. Race raw iyon. Matagal-tagal na rin daw nang mag race ang mga ito kaya na postponed ang mga vacation-trips namin. Hindi na rin ako umangal na nawalan kami ng trips. Sa sitwasyon ko kasi ngayon ay hindi ko alam kung papayagan pa ako gayung nandito nga lahat ng kapatid ko at magulang ko.

"Anak," I heard Mom's voice accompanied with her knock. I didn't spoke. She knock again.

I heaved a sigh before I stand up and open the door. I didn't open wider the door and just stared at Mom who is smiling at me.

"Can I come in?" she asked. I nod and walked towards my bean bag chair and sat. Naupo naman si Mommy sa may kama ko.

"Are you still mad?"

"I'm not." I said while looking at my fingers.

"Really, huh? Dalawang araw mo na kaming hindi pinapansin. Kahit kausapin ka namin ay sobrang iikli ng mga sinasagot mo."

"Sainyo lang naman akong mga babae hindi galit." I pout. "'Di po pala ako galit talaga." dagdag ko pa.

"Edi inamin mo ring galit ka sa Ama at sa mga Kuya mo." natatawa niyang saad. "Come here darling."

I rested my head on Mom's shoulder while her left hand caressing my back.

"Kinausap ko na ang mga iyon simula nung gabing 'yon. Sabi ko'y humingi ng patawad sa'yo at ganoon na lamang ang inasta nila. I thought they'll talk to you for what they did, but nothing. Ako na kaagad ang hihingi ng pasensya 'nak. Kahit ako ay ganoon din ang naisip ko,"

"Mom..!," she laugh a bit.

"Sorry na, buti nga't hindi na ako nagsalita e. Pero nung narinig ko naman ang saloobin mo, I also knew. Hintayin mo nalang ang mga kapatid mong kausapin ka. Alam ko namang hindi mo matitiis yang galit, inis o tampo sa kanila." napatango-tango ako.

Naalala ko noong bumili ako ng art materials, nakalagay kasi iyon sa bag ko tapos pinakuha ko lang kay Kuya Kaza yung gagamitin ko ay pinatawag na kaagad nila ako sa kuno'ng meeting office nila. Tinanong nila kung ano 'yung parang love letter na nakalagay sa bag ko, nakita siguro 'yon ni Kuya Kaza nung may kinuha siya. Nagexplain naman ako at sinabi kong hindi akin 'yon. Sa kaklase ko iyon na nagpalagay lang dahil baka makita ng Kuya rin niya at makagalitan siya kaya ang ending saakin napunta ang galit ng mga kuya kong loko-loko. Hindi pa sila naniwala nung una pero nang ipinakita ko ang penmanship ko kumpara sa penmanship nung sa kaklase ko ay naniwala na rin sila. Ang kaso lang, yung love letter na nasa colored paper ay pinagpupunit nila. Doon na ako nainis, hindi naman nila gamit tapos papakialaman pa nila at sisirain pa? Okay naman sana kung saakin 'yon dahil okay lang naman saaking magsulat ulit ng panibago e, kaso sa kaklase ko 'yon! Sinabi ko iyon sa kaklase ko at medyo nagalit pa yata siya saakin. Ilang araw niya raw iyong pinag-isipan tas mapupunit lang.

Sabi ko sa sarili ko ay hindi ko papansinin sila kuya ng isang linngo dahil sa ginawa nila. Gumawa ng paraan ang mga loko kaya ayon, isang araw ko lang silang hindi pinansin.

Napangiti tuloy ako nang maalala ko iyon.

"Baba na tayo 'nak, miryenda na tayo. Hindi nila mabuksan buksan ang ang paboritong cake mo, alang-alang na baka kapag binuksan nila ay mas madagdagan pa ang galit mo." ngumiti na lamang ako at hindi na sumagot pa.

What Are WeWhere stories live. Discover now