Chapter 28

22 3 0
                                    


Ever since Zaffire and I met again, I couldn't stop thinking about our broken relationship. We didn't really become a couple, just almost.

Hindi rin naman ako nagsisisi sa naging desisyon ko dahil okay na naman yata kami. Hindi lang ako sigurado sa kung anong sitwasyon mayroon kami.

Bukod sa naninibago ako sa mga kinikilos namin sa isa't isa simula nang magkita kami ay naninibago rin ako sa itsura niya.

Literal na glow-up kaso kung titingnan mo siya ay nakaka-intimidate.

Kung dati ay ngingiti 'yon sa'kin, ngayon ay parang may bayad pa. Para bang lagi siyang galit sa mundo 'pag titingnan mo siya. Pag ikukumpara kaming dalawa, mas marami pa akong nagiging facial expression sa kaniya. Siya, iisa, dalawa o tatlo lang yata ang facial expression niya. Most of the time, serious face, a smile then there's also a mixed angry face. I don't know.

Marami kang ma-dedescribe sa itsura niya.

Nakukwestiyon ko talaga ang mga galawan niya, minsan sweet tapos hindi na ulit.

I do wonder to sister Lex why she didn't ask about Zaffire's outward appearance. Blessed on the face, blessed on the body.

He looks so healthy though all you can see to him was his masculine body.

"Takot ako Lala," Napailing ako habang naglalakad papasok sa clinic. Tapos na kasi naming I-check up ang mga baby hanggang limang taon at bukas na ang iba. Inabot kami ng dalawa at kalahating araw sa kanila dahil nahirapan pa kami sa ibang bata. 29 din 'yon. Bali'y 34 kaso ayaw pa rin magpatingin ng limang bata.

Ang mga batang kasama ko noong Lunes ay nasa labas ng clinic at ayaw pa magpa-tingin. Dapat ay tapos na sila kaso lamang ay natatakot daw sila.

Hindi naman namin sila tutusukin ng stringe eh.

"Ayaw pa rin ng mga bata?" Umiling ako. "Kahit anong sabihin natin na hindi sila tutusukin ay ayaw pa rin." Tumawa ako.

Tiningnan ko ang list ng mga bata. Mahigit eighty ang batang narito at aabutin yata kami ng two weeks para sa health check up.

Isinandal ko ang aking likod at pinagmasdan ang limang bata sa labas na kinakausap nila Mama Gab. Napangiti naman ako sa itsura nila. Si Teptep mukhang iiyak na. Lakas ng loob niyang pumunta rito sa clinic nung isang araw tas ngayon ayaw na. Mabuti nga at hindi na ulit nagkulong sa kabilang bahay.

Break muna namin ngayon ni ate Lex. Huwebes ngayon at ngayon ang sinasabi kong kalahating araw sa health check-up namin sa 29 na bata. Mabilis ang nagiging health check-ups namin dahil dalawa naman kami ni ate Lex.

Tumayo ako at napagpasyahang pumunta sa may basketball court. May swing kasi roon. Nito ko lang nalaman na may basketball court pala rito. May nakalagay lang pala na inflatable playground nung nakaraan kaya hindi ko napansin.

Tirik ang araw dahil tanghali.

Si Clark. Hindi na siya sumama nung umuwi ako. Sabi niya ay isasama raw siya ni Zaffire sa site.

Nagulat ako no'n kasi halatang ayaw ni Clark kay Zaffire noong mga unang araw namin dito.

Gabi-gabi ay tinatawagan ako ng dalawa. Nauuna si Clark bago si Zaffire. Laging kinukwento sa'kin ni Clark kung gaano raw ka-cool at ka-nice si Zaffire. Kinukwento niya rin ang buong araw niya at pati pagkain na kinain niya sa site ay sinabi niya rin. Simula nung Martes ay kasama na ni Clark si Zaffire sa pagpunta sa site na pinupuntahan nito. Nakakapanibago kasi parehas ng ugali nagsama? Mas malala nga lang ang ugali ni Zaffire at baka pag nagkataon na lagi silang magkasama ay makuha rin ni Clark ang ugaling mayroon si Zaffire.

What Are WeWhere stories live. Discover now