Chapter 35 (1/3)

27 2 0
                                    


It's been a month or just weeks, I guess? Ang bilis ng panahon at ngayon ay pupunta ulit kami sa Dilim Resort. Ang resort ni Kuya Dark.

Noon ay mga kabataan lang kami pero ngayon ay mga adult na at may mga anak na. Sa ngayon ay mas marami na kami.

Ang pamilya ko, mga pinsan, pamilya ni Zaffire, ang lahat ng mga kaibigan ko kasama ang kanilang mga anak at asawa, at ang Trolls.

Nagbabalik ang Trolls. Kumpleto kaming lahat ulit. Nakakagulat kasi bukod sa nalaman naming single Dad si Range, lalaking-lalaki na ngayon si Nizel, Lia at Georgia. So ibigsahin, sila na si Benzelo, William at George. Dahil nga sa lalaking-lalaki na silang tatlo, nagkatuluyan si Benzelo at Ria. Si George at Amara rin. Tapos single si William, hindi niya raw muna prayoridad kahit lagpas na talaga siya sa kalindaryo.

Nalaman ko lang 'yan kanina, nag video call kami pero sila ay nandon sa mansion namin. Mamaya pa namang gabi ang alis kaya rito na muna ako sa orphanage.

The day after yesterday I fix my things and Clarks things too since I've decided to go home right after my work. Kanina pa raw silang tanghali roon sa bahay at walang ginagawa. Aba, sino ba naman kasing pumunta sila ng ganoong kaaga.

Paniguradong gusto lang ng mga 'yon kumain sa bahay.

Tumayo ako sa pagkakaupo at uminom ng tubig saka lumabas. Magpapaalam na kasi ako kay Mama Shee na mag e-early out na ako.

Kanina pa naman nakaalis si ate Lex dahil maaga ring sinundo ni kuya Kaza. Hindi naman na kami masyadong napapagod nitong mga nakaraang araw, bukod sa may mga pasok ang mga bata sa paaralan ay kahit papaano ay alam na naman ng mga taga-alaga ang gagawin pero obligasyon pa rin naman namin 'yon kaya kapag nagsasabay-sabay ang pagkakasakit ng mga bata ay nahihirapan kami ni ate Lex.

Dala-dala ang bag ko ay hinanap ko sila Mama Shee. Pinuntahan ko na sila sa kabilang bahay ay wala pa rin.

"Andeng!" Agaw atensyon ko kay Andeng na nagdidilig ng halaman malapit sa study area.

"Nakita mo ba sila Mama Shee? Wala kasi sila roon sa loob pati sila Mama Sol." Sabi ko.

"Ay umalis sila Nurse eh, may kikitain daw sa may bayan. Bakit po nurse?"

"Magpapaalam na sana ko, pakisabi nalang na nakaalis na ako. Nasabi ko na rin naman sa kanila 'yon kaninang umaga," Imporma ko sa kanya.

"Sige po nurse, ingat po kayo." Ngumiti lang ako sa kanya at kumaway.

Nang makapasok sa kotse ay pinaandar ko na kaagad ito at nagsimula nang magmaneho.

Maaga pa naman para umuwi ako kaya napagpasyahan kong dumaretso muna sa mall.

Titingnan ko kung may mabibili akong maisusuot ko rin bukas.

Ba't parang ang daming tao? Wala na akong mahanap na parking eh.

Sa ilang minutong paghahanap ay may nakita na rin akong papaalis na sasakyan kaya doon ko na pinark ang kotse.

Bago pa man ako makababa ay tiningnan ko muna ang balance na mayroon ako. Baka mabawasan pangbayad pa naman 'to kay Kuya Colby.

Hindi ko pa rin tapos bayaran si Kuya Colby kaya naghihirap na ako.

Joke!

Bumaba na rin ako pagkatapos kong patayin ang makina.

As I entered the entrance, the mall's air conditioner enveloped my body.

I grabbed my sling bag and started walking.

I don't know where to buy clothes here 'cause I've never been to this mall. The one that ate Lex and I used to go to was close to the orphanage but this is quite close to our village.

What Are WeWhere stories live. Discover now