Chapter 29

26 3 0
                                    


"Omg!" Napapitlag ako sa loob ng banyo rito sa kwarto namin ni ate Lex. Break naman namin para sa ngayong umaga. Kakatapos lang ulit namin sa sampung bata.

Lumabas ako ng banyo at lumabas din sa mismong kwarto.

Nakita ko si Fel na natakbo at papunta sa may playground?

Kita ko rin ang pagsisipuntahan doon nila Lianne. At pati pala sila Mama Shee.

Ano bang mayroon?

Naglakad na ako papunta sa clinic at hindi na nag-abala pang tingnan kung anong mayroon doon.

Akala ko'y nandito si ate Lex, nandoon din siguro sa kung ano mang tinitingnan nila roon.

Kahit puro ingay ng mga batang naglalaro ang naririnig ko ay narinig ko pa rin ang tiling iyon ni Fel kanina. Lakas ng boses ah.

May dalawampung minuto pa bago matapos ang break namin kaya dali-dali akong pumunta sa likod ng tabing bahay para doon muna magpahangin. May duyan kasi roon.

Hindi rin ako nagtagal at bumalik na rin sa clinic.

Nakakapagtaka at biglang nawala ang mga batang naglalaro sa tapat? Sinilip ko ang clinic at wala namang tao, wala ring tao sa hallway at pati sa study area na kita ang loob mula rito. Nang hanggang sa sinilip ko ang dining area. Lahat yata sila ay nandoon.

"Ah nurse EL! Sa'n ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap." Si ate Lex. "Halika sa loob,"

Ang ingay ng buong dining area at pansin na lahat sila'y may kinakain na, Jolibee? May nagkukumpulan sa isang table at halatang doon kinukuha ang kinakain nila.

Saan naman galing 'to? O kanino galing?

"Nandito si--" Hindi ko na napakinggan pa ang sinabi ni ate Lex dahil maingay talaga. Sinasabi niya kung sino ang nandito at alam ko na kung sino.

Nang mawala ang kumpulan sa may table ay nanlaki pa ang mata ko nang makita ko kung sino.

Si ate Lex lang ang may kilala kay Zaffire at kay Clark dahil siya lang din naman ang nakakita sa kanila noong hinatid nila ako rito.

Naupo ako sa isang table na siyang inuupuan din nila Zaffire at Clark. Magkatabi si Zaffire at Clark. I sat opposite to them. Kung nakaupo sila sa may dulong upuan sa kanang bahagi ng lamesa ay naupo naman ako sa kaliwang bahagi at sa dulo rin.

Hindi ako napansin nila Mama Shee na may inaasikaso sa may kusina at sila Andeng na tagabigay ng pagkain ay patingin-tingin naman sa lalaking malapit.

Umiwas ako ng tingin nang makitang tumingin si Zaffire sa gawi ko.

"Ba't ayaw mo pumunta ro'n?" Sabi ni ate Lex na ngumunguya pa. Umiling ako.

Diet ako. Kahit takam na takam ako sa cheese burger at fries na kinakain nilang lahat. May kasama rin 'yong drinks.

Nagmamasid lang ako at napapangiti kapag nakikita kong sayang-saya ang mga bata sa pagkain. Sila Sander ay nakita ko rin, hindi ako napansin dahil nakain.

"Nurse EL! Halika po rito!" Iginilid ko ang ulo ko upang pumikit ng mariin. Ba't pa ako nakita ni Jahsya. Wala na akong maggawa kundi ang tumayo at pinipigilang hindi mapatingin sa dalawang lalaki. Sa kahabaan ng lamesa ay bago pa man ako makarating sa tabi ni Andeng ay napatingin na ako sa dalawa. Kita ko ang maliit na ngisi ni Zaffire at si Clark naman ay suot ang serious face niya.

Umisod si Andeng kaya ako ang kalapit ni Zaffire.

"Bigay po nila Sir Laire." Laire huh?

Tumingin ako sa kanilang dalawa. "A-ah, s-salamat po,"

What Are WeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora