Chapter 13

28 3 0
                                    


Kinabukasan ay tanghali na ako nagising, dahil siguro sa pagod ko kahapon.

"Bakit ngayon ka lang nagising?" bungad na sabi ni Kuya Grae nang makababa ako sa kusina.

"Napagod ako Kuya kahapon." sabi ko at ngumiti kay Manang Ellyn. Alam niya na yung ngiti kong iyon kapag ganitong medyo tuleley ako. Nagpapatimpla lang ako ng gatas o kaya Milo.

Habang hinihintay ang timpla ni Manang ay kumuha naman ako ng kanin at ulam.

"Bakit ganyan suot niyo? Saan kayo punta?" takang tanong ko kila Kuya. Nakapang-alis kasi ang mga ito.

"Kikitain ko si Kei."

"Kikitain ko si Ivory."

Sabay na sagot ng dalawa pero halata naman sa kanila na nagsisinungaling sila. Sila makikipagkita sa babae?  Wala ngang girlfriend si Kuya Blhack. Tapos si Kuya Grae na makikipagkita sa nagngangalang Ivory? Hindi naman agad-agad ipagpapalit ni Kuya Grae si Ate Breanna 'no.

Ipinagwalang bahala ko nalang iyon at ipinagpatuloy ang pagkain.

Nagpaalam na rin ang dalawa at ako ay naiwan kasama si Manang at ate Sabel.

"Ala-EL, may ginawa pala akong graham. Gusto mo?"

Hindi pa ako nakakasagot ay kinuha na ni Ate Sabel ang graham sa ref.

"Thank you." tumayo ako at hinalikan ang pisngi ni Ate Sabel.

"Nakakatampo naman. Hindi lang si Sabel ang gumawa niyan ano. Kami rin kaya ni Manang at Chella. Diba?" dumating si Ate Iris sa kusina. Tinawanan ko muna ang pagtatampo nila tsaka lumapit. Ibinuka ko ang aking dalawang braso at nang makalapit sa kanila ay niyakap ko sila at hinalikan din sa pisngi.

"Thank you Ate Chella, Ate Iris at Manang." naupo na ako. "Tabihan niyo naman po ako," dagdag ko pang sabi. Kumuha naman sila ng platito at kumain din ng graham.

"Nakakatampo talaga kayo. Nasa labas lang ako ay hindi niyo na ako isinasali sa pagkain." kung si ate Iris ay halos magtampo na ang mukha ay mas sumobra pa ang mukha ni Manong Patricoi. Nakabusangot na ang mukha nito habang kumukuha ng graham.

Ngumiti na lamang ako.

Nang matapos kumain ay nagpaalam na rin akong tataas muna at maliligo. Feeling ko ay ang lagkit-lagkit ko.

I took a quick bath and when I'm brushing my hair, I heard my phone rang.

Tss. Zaffire is the caller. Let's see if you still have the patience in you. I didn't answer and I wait until he still calling me twice.

Tumawag pa rin siya so, sinagot ko na.

"Yale, what take you so long to answer my call?" halata ang irita sa kaniyang boses.

I chuckle. "I'm just teasing you. So, what's up?" hawak ko ang aking phone at naglakad papunta sa vanity mirror ko. Ayos naman ang itsura ko kahit hindi maayos ang pagsuklay.

"You're at your house?"

"Yep."

"Can I come? Promise I'll behave."

"Okay. Dala ka naman ng pagkain." request ko pa.

"Copy, ma'am. Papatay na ng tawag."

Napailing-iling ako."Sige, bye." at pinatay ko na ang tawag.

Siguro sa may pool area nalang kami. Ayokong may napunta sa room ko.

Lumabas ako at dumaretso sa pool area. Mabuti naman at hindi masyadong tirik ang araw. Maaliwalas din.

What Are WeWhere stories live. Discover now