Chapter 27

20 3 0
                                    


Ayaw ko na. Ang tahimik namin.

Nasa likod ako at si Clark ang nasa passenger seat.

Hindi pa kami nakakalayo ganto kaagad ang atmospera.

"Do you want to drive thru? Jollibee or Mcdo?" Zaffire asked.

"I'm still a little full. You Clark?" Tanong ko naman kay Clark.

"No,"

"Alright."

Parang kanina lang, nung gumising siya. Sabi pa niya, 'Mom, I'm craving for chicken burger.'

Hindi naman gaanong tahimik ang naging byahe. Nagpatugtog kasi si Zaffire saka hindi rin ako sigurado pala kung tahimik ba talaga. Nakatulog kasi ako.

ALAZNE HOME

Basa ko sa may metal na gate.

Pagkapasok ng sasakyan sa loob ay namangha ako sa laki. Parang ganito rin ang naging reaksyon ko noong pumasok ako sa DelRennaPalla University.

Tinungo ni Zaffire ang parking lot at hindi na inayos ang pag-park doon. Dun lang niya ni-park sa walang sasakyang nakapalibot.

Bumaba ako at dinala ang gamit ko. Tinulungan naman ako ni Zaffire. Duffel bag at nursing bag lang naman ang dala ko.

"So, this is your new home of being a nurse." Si Clark habang nililibot ang tingin sa kabuuang lugar.

Nung nakaraang linggo ay pinasa na saakin ni ate Lex ang larawan kung saan makikita ang kabuuang itsura ng Alazne Home. Malaki talaga siya.

Si Ate Lex ay 'yung co-nurse ko na galing naman sa ibang hospital na pinadala rin dito. Nagkakilala kami dahil chinat niya ako sa messenger at nagpakilala siya na siya raw ay nurse rin dito na makakasama ko. Sinabi raw sa kanya ang numero ko ng may-ari ng ampunan kaya kami nagkausap. Medyo close na kami ni ate Lex, hindi naman naglalayo ang edad namin.

"Lighht!" Nabaling ang tingin namin sa babaeng nakapang-nurse attire na tumatakbo papalapit saamin.

"Hi!"

"Uh, si Ate Lex," Tumingin naman si ate Lex sa dalawang kasama ko. "Ate Lex, si Zaffire at si Clark. Zaffire, Clark, si ate Lex."

"Hello sa inyo," Sabi ulit ni ate Lex.

"We are going," Sabat ni Zaffire.

"Hindi na ba kayo papasok sa loob?" Tanong naman ni ate Lex.

"No," Para namang nanghinayang si ate Lex. Eh?

"Clark, halika." Sumunod saakin si Clark hanggang sa medyo makalayo kami sa dalawa.

"Be nice to him, okay? Not because he's my male friend, you're going to be rude." I told him. Baka hindi irespeto netong si Clark si Zaffire, lalo na't sinabi ko sa kanya ang tungkol saamin ni Zaffire.

"I'm nice." Sabi pa niya.

"Clark Zeusthon," I said in a warning tone.

"Yeah, I know ma."

"Clark, let's go." Si Zaffire. Luh, close kayo?

Naglakad kami papalapit sa kanila. Niyakap muna ako ni Clark bago siya sumakay sa kotse.

"Hintayin kita sa may playground." Sabi saakin ni ate Lex. Tumango nalang ako.

When ate Lex left, I faced Zaffire.

"Drive safely huh? Tell me when Clark did something bad while you were on the trip."

"What will he do something bad?" He chuckle. Inirapan ko siya.

What Are WeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant