Chapter 19

19 3 0
                                    


"C-can you watch me? Watch me play? Our championship will be held next week." He hopefully said.

"Hmm, sorry." Sa pagsabi ko palang ng sorry ay bumaba na kaagad ang balikat niya. "I'm not sure. I don't want to promise. I don't want to hurt your feelings when I make a promise and can't keep it. I'm not sure about the schedule I have next week, so yeah."

Parehas kaming saliwa ang tingin at nakatingin lang sa kung saan. Tiningnan ko siya.

"I will try." Napatingin siya saakin ngunit umiwas muli.

He's like a child. Omy.

"You'll just try but can't make it," I heaved a sigh. Kung pwede lang akong mag-leave sa isang linggo ay nagawa ko na pero sa dami ng pasyente ay hindi ko magagawa.

Kinain muli kami ng katahimikan.

"Nandyan ka palang liwanag ka, kanina pa kita hinahanap," Si Julie. "Oh, sorry." Natawa ako bigla sa pagbabago ng boses niya. Ang kaninang lantutay ay biglang tumigas bigla.

Tumayo ako at kinausap sa gilid si Julie. Si Clark ay ganoon pa rin, nakatingin sa kung saan.

"Bakit ba?" Inis kong wika sa kaniya.

"Wala lang, iimbitahan sana kita sa opisina ko at may sasabihin ako."

"No thanks," Mga kaek-ekan na naman ang sasabihin nito.

"Saka hinahanap ka ni Nurse Lee, may importanteng sasabihin."

Inirapan ko siya. Gagawa't gagawa ng dahilan para lang sumama ako. Tss.

"Sige na, papaalam lang ako ro'n sa bata." Tumango naman siya ng may ngiti. Ngiting napapapayag ako.

"Ah-"

"You can go, I just go to them." Malamig na aniya saka tumayo.

Hinila naman ako ni Julie. Nagpahila lang ako at habang naglalakad ay nagkukuwentuhan kami.

"Infairness ang gwapo nung lalaki ha?"

"Hoy, child abuse." 

"Gaga, sinabihan ko lang naman ng gwapo! So, ano namang napag-usapan niyo?"

Sinabi ko sa kaniya ang napag-usapan at nangyari kanina hanggang sa makarating kami sa mismong opisina niya.

"O' e, anong plano mo?"

"Ewan ko rin. If he wants me to adopt him, it's good but if not, hahayaan ko nalang. Baka naman magbago pa ang isip niya 'diba? Pero basta! Hindi ko pa naman alam talaga ang gagawin ko. Pinoproblema ko pa nga kung pupunta ako sa game niya."

"'Yon lang. Problemahin mo, huwag mo akong idamay ha."

"Ewan ko sayo. Bakit ba naging doctor ka." Panay tuloy ang irap ko ngayong araw dahil sa baklang 'to.

"Punta na ako sa baba. Baka kanina pa ako hinahanap ni Ate Lee,"

"Gaga," Tumawa siya. "Joke lang 'yon!" Okay. Sabi ko na nga ba at iisip at iisip 'to ng dahilan para lang mapapayag ako. Uto-uto naman ako.

"Picture pala tayo," Huh?

"Anong trip mo?" Ngayon lang 'to nag-ayang mag-picture. Nakasuot siya ng pang-doctor at saakin naman ay scrubs. Lagi kasi ay kapag nasa labas kami nakuha talaga ng picture pero minsan ay ayaw ko talaga na kumuha kami ng picture, napapagkamalan kaming mag-jowa. Eww.

"Ayan, post ko sa ig ko beng. Tingnan mo nalang. Story lang." Nakita ko naman ang kaniyang pagtipa roon at ngumiti nang may napindot na. Tiningnan niya pa ang cellphone niya na para bang gandang-ganda siya sa picture naming dalawa.

What Are WeWhere stories live. Discover now