Chapter 11

30 3 0
                                    


"Hoohooo! Sarap ng hangin dito Ala-EL!" mula sa labas ay rinig ko ang sigaw ni Lia. Ang kotse kasi na dala ni Zaffire ay nabubuksan ang itaas kumbaga para itong bintana. I'm not familiar with cars but I can say it's sunroof. Napangiti naman ako at ganoon rin si Zaffire. Sa'min sumakay si Lia at si Ria. Humabol ang dalawang babae. Si Ria ay nakasakay dito sa kotse ni Zaffire at si Amara naman ay kay Klausyer.

Pabyahe na kami ngayon sa Batangas. Medyo traffic dahil weekdays kahit na five-am kami umalis kanina. Siguro ay ngayon lang nagsisipasukan sa trabaho.

"Hay! Sarap sa feeling!" nilingon ko ang dalawa na umupo na matapos tumayo kanina.

"Kung noon na pinapangarap ko lang makausap si Zaffire ngayon nakasakay pa ako sa sasakyan niya! Daig sila." pagmamayabang ni Lia.

"Buti pa si Lighht, kahit baguhan pa lang siya sa campus ay close na si Zaffire. Ka-inggit!" Napangiti na lamang ako.

"Uh, isasarado ko na ba 'yung taas? Baka babalik pa kayo?" Zaffire asked them. Inilabas ko ang aking telepono at nag tipa ng message kay Kuya.

"Ah oo, pasarado na. Matutulog muna kami at medyo malayo pa ang byahe."

Nang matigil ulit kami sa tolgate ay nilingon ko ang dalawa sa likod. Tulog na agad sila at humihilik pa!

"Bakit pala nakakapag maneho ka sa highways? You're just seventeen and wala pang license. Diba bawal 'yon? Hindi ka ba mahuhuli?" tanong ko sa kaniya.

"Kilala naman ako ng governors."

"That's unfair! Paano naman 'yung mga estudyanteng gusto maghanap buhay gamit ang mga sasakyan pero hindi pa pwede dahil hindi pa eighteen and above? Hindi naman pwedeng kilala ka lang ng governors."

"Don't start the argue Yale. I have limitations using cars lalo na at luluwas ako ng siyudad. Kapag nagba-byahe ako kailangan kong maging maingat syempre. Bawal akong magpatakbo ng bilis."

Napatango nalang ako. Unfair naman kasi talaga! Hindi porque kilala ang apilyido nila ay gano'n nalang.

Natahimik ang buong byahe at nag-ingay muli noong nagising ang dalawa sa likod. Nag-request sila kay Zaffire na dumaan naman daw sa Mcdo at syempre bilang mabait na Hotdog, sinunod niya.

Kinain na namin ang binili at natulog na ulit ang dalawa.

"Hey, Yale,.." hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Tumingin ako sa labas at nagtaka kung bakit nakatigil ang sasakyan sa may Cr.

"Ah, hindi ako magc-cr, Hotdog." I told him.

"Not that. Kanina pa may tumatawag sa phone mo. Sorry if I disturbed your sleep."

I checked my phone and there's many missed calls. From who?

Tinype ko muna ang password ko at bago tiningnan ang contacts.

My eyes widened when I saw the name of the caller. It's Zhai!

Bakit kaya 'to tumatawag?

"Gotcha! Finally ate Lighht. Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?"

"Sorry. Nakatulog kasi ako. Bakit ka pala tumawag?"

"Nasaan na kayo ate? Bakit yata parang ang tagal niyo?" Huh? Bakit alam niyang may kasama ako?

"Wait, Zhai, I-I can't understand." nagsabay ang tingin namin ni Zaffire nang nilingon ko siya. Ang gulo!

"Nagtanong kami kay Kuya Klausyer if pwede kaming sumama sa inyo. Pumayag naman siya at ngayon ay nauna pa kami sainyo. Nandito na rin sila, kayo nalang ang hinihintay. Daan pala kayo ng 7 11, bili kayo yelo. Thank you." at pinatay na ang tawag. Ibinaba ko ang aking telepono.

What Are WeOn viuen les histories. Descobreix ara