Chapter 34

27 2 0
                                    


"A-anong gagawin natin dito?"

"We'll talk." Mariing sabi niya.

"Ano namang pag-uusapan natin?" Inosente kong tanong.

"You don't know huh?" Sabi niya at iniabot saakin ang chuckie.

Chuckie?

"Answer my question earlier,"

"Ano bang tanong mo kanina?"

I'm just playing with him! Sumimangot kaagad siya.

"Anong mayroon sainyo noong Kataliya?" Prangka kong sabi.

"T-there's nothing to the both of us. She asked for a picture, pumayag ako. Tapos hindi ko akalain na ipo-post niya 'yon sa social media." Pinanliit ko siya ng mata.

"Bub, baby, I fvckin swear, there's nothing to do with us. Her fans are being delusional. I immediately told Kataliya about that 'cause I thought you might be acting like that because of the picture. She already deleted it and even posted a statement to say that we're just friends catching up. " Tumango lang ako at inubos na ang chuckie. Friends daw tapos Engineer ang sinabi sa post?

"Hey, talk to me." Hinawakan niya ako sa may hita.

"Yon lang? Ano naman pinag-usapan niyo?"

"She just asked me if I knew an architect who could design her house. Then, I suggested Faera to her. That's all." Nakakunot ang noo ko siyang tiningnan.

"You were just asked, you answered and then you are being posted on facebook right away? Thank you Engineer with heart pa!" I scoffed. I looked like a jealous girlfriend.

I heard the man beside me chuckled.

Hinila niya ako papalapit sa kaniya.

Patagilid niya akong niyakap at nagsalita malapit sa tainga ko.

"You're jealous, huh?" Nag-react kaagad ako at umalis sa pagkakayakap niya.

"Hindi kaya," Sinimangutan ko siya at pinag-krus ang braso.

He chuckled again at hinila ulit ako papunta sa kaniya.

"Kanina mo pa ako binuhat nang binuhat tapos ngayon hila ka naman nang hila?" Hinalikan niya lang ako sa may buhok.

"Di ka ba natatakot? Parang natatakot ako rito, medyo madilim dito sa pwesto natin tapos may mga damuhan pa." Sabi ko sa kanya at niyakap ang sarili kahit nakayakap pa rin si Zaffire.

"Bakit ka matatakot? Kung nandito naman ako." Natigilan ako at walang nasabi.

Natahimik kami at pinagmasdan ang langit.

Napaisip ako. Bakit umuwi kaagad si Zaffire ngayon? Hindi siya nagsabi na uuwi siya ngayon kasi may isang linggo pa para umuwi siya. Hindi naman sa ayaw ko siyang makita at pauwiin dito pero paano kung biglaan siyang umuwi dahil nag-aalala siyang hindi ko siya napapansin at malamig pa ang pakikitungo ko sa kanya sa text at tawag.

Tiningala ko siya, seryoso lang siyang nakatingin sa harapan niya.

"Bakit ka kaagad umuwi? Wala ka pang isang buwan sa Siargao ah?" Takang tanong ko sa kanya, ibinaba niya ang tingin sa akin at hinalikan niya muna ako sa noo bago ulit tumingin sa harapan niya.

Nanatili akong nakatingala at hinihintay ang sagot niya.

"Tapos na ako sa ginagawa namin doon, kaya ako umuwi." Aniya.

My facial expression became confused.

"Hmm? Huwag kang magsinungaling,"

"I'm saying the truth," Walang ka-ekpre-ekspresyon ang kanyang mukha.

What Are WeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang