Chapter 25

25 3 0
                                    


"Yale,"

"Wa-what's this? B-ba-bakit ako may mga picture rito?" I don't know what to feel right now. Seeing my or our picture in a big board.

Pumasok siya sa kwarto at hinawakan ang kamay ko upang maupo sa may kama.

Hindi maalis ang tingin ko sa mga larawan.

Kahit tulog na picture ko ay nandoon din.

"Y-yale, I'm sorry. This is my comfort place. Simula nung umalis ka, pagkatapos ng mga naging panlulumo at kasalanang ginawa ko ay inunti-unti kong kuhanin ang mga pictures mo. Kahit na picture natin noon, kinuha ko rin.

Ginawa ko 'to para sana hindi ko isiping iniwan mo talaga ako."

"Pe-pero akala ko ba ayaw mo na akong isipin pa?" I asked him. Hindi naman ako galit. He's not that obsessed with me.

"Yeah. Ayaw na nga kitang isipin pa at kalimutan na. Actually, after 3 years, ngayon na lang din ako nakapasok sa kwarto na 'to. Nate-temp ako minsan kasi hindi ka pa rin naman nawawala sa isip ko," Umiwas siya ng tingin, napatingin sa sahig at napangisi pa sa naiisip niya.

"Sa totoo lang, kahit gusto kong isub-sob ang sarili ko sa trabaho at piliting hindi ka isipin ay hindi ko magawa. Once a week, I can't control myself to go here but later on, hindi na ako makapunta. Sa tuwing pupunta kasi ako, lagi nalang akong naiiyak at sinisisi ang sarili ko sa lahat.

Call me now a crying duckling," He chuckle.

"Naiiyak ako sa mga bagay o sitwasyon na may kinalaman sayo. Ni hindi ko nga maiyakan minsan ang pag da-drama ni Mama pero sayo lagi nalang akong natatalo."

"Yale, I'm sorry. Kung gusto mo akong layu-"

"Hey, stop." Hinawakan ko pa ang balikat niya. Bakit siya pa ang lalayo? He did nothing but to kept and paste those pictures of me in a big board. After all, it is my fault, everything should blame on me. 

"It's okay with me. You told me your reason. Bakit naman kita lalayuan?" Parang hindi ko yata kaya.

Gusto kong idagdag kaso huwag nalang.

"Hin-hindi ko rin alam."

"Alam mo, ngayon ko lang nakita 'tong soft side mo. Naiiyak ka na minsan at napapatawa ng kahit kaunti."

"Yeah,"

"Baka may tinatago ka pa?" Natatawa kong tanong.

"Wa-wala na naman but I have something to ask."

"Go ahead,"

What will be your question huh? Zaffire?

"Can I hug you again?" Napaawang ng kaunti ang labi ko.

Tinatanong pa ba 'yan?

"Oo naman 'no!" After I said that, he hugged me.

Tightly.

Nagkalas ang yakapan namin at hindi ako nanatili sa pwesto.

Tumayo ako at tiningnan ang litratong nasa board.

"Grabe," I whispered as I looking at my pictures.

I felt Zaffire's presence at my side.

"Parang lahat na yata ng picture ko ay narito. Kulang nalang ay maging photo album ko 'to. Simula bata hanggang junior highschool."

"Look at this," I looked at the picture he pointed out.

"You're so mean to me." Mariin kong sabi pero kilauna'y natatawa nalang din sa mga itsura ko.

What Are WeWhere stories live. Discover now