❤ i

13.8K 284 84
                                    

-Chrissy's POV

My God! One week na akong wala sa sarili dahil sa bagong school na ito.Kakatransfer ko lang kasi dito,kaya super naninibago ako.I miss my friends so bad!  Kaya ngayon hindi nalang ako pumapasok.

"Baby! Come down here." si Mommy na naman yan.Kanina pa ako tinatawag.

Nagtakip ako ng unan sa magkabilang tenga dahil nagtatampo ako sa kanya. 

"Isa Baby! Aakyat na ako dyan!" kahit nakatakip ang tenga ko rinig ko pa rin ang kasing lakas ng megaphone na boses ni Mommy.

Wala na akong choice kung hindi ang bumaba nalang.

  

Padabog akong umupo sa tapat ni Mommy.

"Ano po yun Ma?" walang ganang sabi ko at crossed arms!

"Anak wag ka ng mag tampo sa amin ng papa mo" si mama

 "Ma naman,4th year na ako.Tapos bigla niyo nalang akong linipat.Do you think matutuwa ako?" naiinis na ako.

"Your Dad and I decided na ilipat ka ng school anak para hindi na lumala ang mga chismis sayo sa dati mong school." mahinahon na sabi ni mommy at lumipat sa tabi ko.

"Mom,I can handle it.Alam naman po natin ang totoo." pagpupumilit ko.

"No baby,pati pamilya natin nadadamay sa issue na ito.Mahirap para sa iba na ipaintindi ang nangyari." and  I heard her sighed.

Pati ako di makapaniwala sa nangyari 2 months ago.Sa Reignson University(R.U) .Lahat nag bago dahil doon.

Flashback.. (2 months ago)

[GYMNASIUM]

"Best tara na! Kanina pa nakabalik yung mga classmates natin sa room." sigaw ko kay Jelie na nasa may fire exit dahil nakasilip siya sa may pintuan.

 

Lumapit ako sa kanya para makita kung anong tinitignan ng babaeng ito.

 

Sinigawan ko siya.

"Hoy Jelie ano ba yang tin--abdhabdsnkldjk" di na ako nakapagsalita dahil sa pagtatakip niya sa bibig ko gamit ang kanyang isang kamay.

 

Tinuro niya yung tinatanaw niya sa pinto.Laking gulat ko ng maaninag ang mukha ng tinuturo niya.Hindi ako pwedeng magkamali,siya ang tinuturing na campus crush sa school.Walang iba kung hindi si Xander Reyes.

May hawak itong kutsilyo at puno ng dugo,Tumakbo si Jelie ng makitang palapit sa amin si Xander.Naiwan akong tulala sa kinaroroonan ko ng tuluyan na siyang makarating sa harap ko.Ngumisi siya at nilagay sa kamay ko ang kutsilyo.Bahagyang nalagyan ng dugo ang kamay ko.

Hindi ko namalayan na nakaalis na siya at eksaktong dumating ang guard ng school at nakita ako sa ganoon na sitwasyon.Lumapit siya sa akin at nagulat.Binuksan niya ang pinto sa may fire exit at tumambad ang isang katawan ng lalaki na may saksak sa bandang puso.

Lumipas ang araw at ako ang nasisi sa pangyayari.Hindi ko na nakita si Jelie simula noon at doon nabuo ang galit ko sa kanya.Wala siyang ginawa upang maipag-tanggol ako.Yun ang dahilan kung bakit nilayuan ako ng mga tao,akala nila masama ako.Tanging mga magulang ko lang ang naniwala sa akin.

The Bad Boy Fell In love (PUBLISHED UNDER LIB)Where stories live. Discover now