❤ xiv

3.3K 70 7
                                    

Nakaupo lang ako sa flooring sa may tapat ng pinto.Hinihintay ko lang na dumating na ang parents ni Krusaint.Nag-aalala ako sa kanya,oo.Gusto kong malaman lahat,kung bakit nangyayari sa kanya ito.

“Anak tama na!” nakarinig ako ng sigaw.

“Tita! Nandito po ako!” tawag ko sa kanila.

Bumukas ang pinto at  sinalubong ako ni Tita.Niyakap niya ako ng mahigpit.

“Ok ka lang ba Chrissy?” puno ng pag-aalala niyang tanong.

“O-opo Tita.”

Nakita ko si Tito na inaawat si Krusaint.

“Son! Stop it!” may inenject siya kay Krusaint na naging dahilan para mawalan siya ng malay.Nasalo naman agad siya agad ni Tito.

“Ano pong ginawa niyo sa kanya?” tanong ko.

“Hindi kasi siya kakalma Iha kung hindi siya papatulugin.” Yan ang sabi ni Tita na kinabahala ko.

“B-bakit po? Ano po ba talaga ang nangyayaro kay Krusaint?” nalilito na ako.

“May Bipolar Disorder siya.Madalas umatake ang sakit niya kapag hindi siya nakakainom ng gamot.Sa sitwasyon naman ngayon,tingin ko ay marami siyang iniisip kaya nagkakaganito siya.” Paliwanag naman ni Tito.

Hindi ako makaimik dahil wala akong maisasagot sa kanila.

“Tara sa bahay,at ng maliwanagan ka Iha.” Yaya ni Tita sa akin.

Pinasan ni Tito si Krusaint hanggang sa makalabas kami.

[Sa Bahay]

Pagdating sa kanila ay dinala ni Tito si Krusaint sa kwarto nito.Kami naman ng Mama niya ay nasa may sala.

“Iha sana maintidihan mo ang sitwasyon niya.Hindi rin namin alam kung bakit siya pa ang dinapuan ng ganitong sakit.Pero ayon sa Doctor niya ay may chance pa naman siyang gumaling.”

“Kailan po siya gagaling?”

“Hindi ko din alam.Masakit para sa akin na makita siyang nagkakaganoon.Madalas niyang saktan ang sarili niya at madalas rin siyang makasakit ng iba.” Naiiyak na sabi ni Tita.

“Magiging ayos din po siya.magtiwala po kayo Tita.”

“Iha,sana hindi mo siya iwan kahit ganyan ang kondisyon niya.Sa buong buhayn niya,ngayon ko lang siya nakitang magmahal ng sobra.Dahil sayo iyon Chrissy.Alam mo bang madalas niyang sabihin sa akin na sana kapag sinusumpong siya ng sakit niya ay wala ka.Na sana hindi mo siya makita,alam niyang matatakot ka sa kanya kaya ang hirap para sa sarili niya na magpigil.”

Sa lahat ng nalaman ko,lalo yatang nahuhulog ang puso ko sa kanya.Nahihirapan na siya,pero ako parin ang iniisip niya.

“Wag po kayong mag-alala,hindi ko po iiwan si Krusaint.Dahil mahal na mahal ko po ang anak niyo.” Hindi ko alam kung bakit nasabi ko iyan.Ang puso ko ang nagdidikta ngayon sa nararamdaman ko para sa kanya.

“Talaga?” bumilis ang tibok ng puso ko.Ang boses na iyon,hindi ako nagkakamali.

“A-anak” tawag nito kay Krusaint na pababa sa hagdan.

Sinalubong niya ito at umupo siya sa tabi ko.

“Tama ba ang narinig ko?” ulit pa nito.

“H-ha? Ano?” nagmamaang-maangan kong sagot.Feeling ko namumula ang buong mukha ko.Paano ko ba babawiin ang sinabi ko,nakakahiya dahil rinig na rinig ni Tita iyon.

“Totoo ba na mahal mo ako? Kahit na ganito ako? Kahit baliw ako?” 

“Grabe ka naman magsalita,hindi ka baliw.At oo na,mahal kita.” Bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

Isang mahigpit na yakap ang binigay niya sa akin.Ramdam ko ang pagmamahal niya.

“Mahal na mahal kita Chrissy” bulong niya sa akin.

Lalo niyang hinigpitan ang  pagkakayakap sa akin.

“Ako din Krusaint,sana pagkatiwalaan mo ako.” Mahal ko na nga yata ang lalaking ito.

“Maiwan ko na muna kayo” nakangiting umalis si Tita.

Binitawan na ako ni Krusaint at hinawakan niya ang kamay ko.

“Ito ang tatandaan mo,kahit ano pa ang sabihin nila sayo.Kahit gaano pa kasama ang tingin ng ibang tao sayo.Kahit na sabihan nila ako ng tanga dahil ikaw ang minahal ko.Kahit na ang mundo man ang hadlang sa atin.Hindi kita iiwan Chrissy.”

Ang mga paru-paro sa tiyan ko,nagwawala sila.Para bang may humaplos sa puso ko.Ngayon ko lang naramdaman ito, para bang napaka-safe ko sa kanya.

“Salamat Krusaint,masaya ako na ikaw ang taong minahal ko.” Totoo iyon.Narealize ko na napaka-swerte ko parin kahit na ano pa ang pinag daanan ko noon.Nandyan na si Krusaint sa buhay ko at si Kath syempre.

Nagkatitigan kami at sabay na napatawa.Sino ba naman ang hindi matutuwa sa nangyari sa amin? Noon una ay para bang aso’t pusa kami kungmag-away pero ngayon hindi na siguro kami mapaghihiwalay.Ngayon na nandito na si Krusaint, makakalimutan na kita Xander.Nakahanap na ako ng tao na mamahalin ako,hindi yung tulad mo na walang alam kung hindi ang saktan ako.

The Bad Boy Fell In love (PUBLISHED UNDER LIB)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora