❤ ix

4.4K 99 5
                                    

-Chrissy’s POV

Ngayon yung araw na bibili kami ng dress ni Kath kasama si Kural.Masaya na sana eh,kaso nandito pa tong buysit na to. Nandito na kami sa Brittany Boutique yung store na favorite ko.

Habang namimili ako ng damit ay sunod ng sunod tong si Kural,hindi ako makapag-concentrate.Di ko na mapigilan.

“Hoy Kural,bat kaba sunod ng sunod? Pipili ka rin ba ng dress? Puntahan mo nalang si Kath at siya ang guluhin mo.” Turo ko kay Kath na nasa kabilang side ng mga dress.

“Ayoko, Ikaw gusto kong kasama.” At umakbay pa sa akin.

Pigilan niyo ko kung hindi kahit gwapo ang nilalang na to,papatayin ko.Masyado siyang touchy!

  

Nakaakbay pa rin siya sa akin habang tumitingin ako ng damit.Wala rin naman akong magagawa kahit mag-reklamo pa ako.

“Eto nalang ang kukunin ko.” Sabi ko kay Kural.

Sakto naman na lumapit rin si Kath na may hawak na dress.

Nagpapaka-babae na talaga siya.

Ang napili ko ay isang blue dress.At si Kath ay powderey pink ang sa kanya.

  

Sinukat namin ito at WOW lang.Parang ginawa para sa amin.It fits perfectly! And we love it.Lalo na si Kath,parang di makapaniwala sa ganda ng suot niya.Hindi kami lumabas ng dressing room para hindi kami makita ni Kural.Syempre baka matulala siya sa ganda namin.

Pagbigyan na oh! Bakit hindi ba kami maganda?

Nabili na namin yung damit at naglakad-lakad muna sa mall.Si Kural ang dakilang taga-bitbit.

Naisipan namin pumunta ng Tom’s World.First bonding moment namin ito.

Bumili ako ng 20 tokens at may free na anim.Tig-sampu kami ni Kath at yung anim kay Kural.Nag-hamon sa basketball si Kath at itong si Kural,game na game! Dala-dala pa rin niya ang mga gamit namin.

Pataasan daw sila ng score.Mabilis kaming pumunta sa may basketball area.Wala pang ibang naglalaro.Buti at may upuan dun,manunuod nalang  ako.Ayoko naman kasi ng ganun.

“Kural este Krusaint.Akin na muna yan ako na muna mag-dadala para makapag-laro ka ng maayos.” Kawawa naman kaya.

“Sige salamat ha!” nag-pwesto na sila ni Kath at sabay na nag-hulog ng token.

The Bad Boy Fell In love (PUBLISHED UNDER LIB)Where stories live. Discover now