❤ vi

7.1K 145 30
                                    

-Xander's POV

Nakarinig ako ng mga kaluskos kaya bigla akong napabangon.Pag-tingin ko sa may pinto ay nakita ko si Chrissy na paalis.

"Saan ka pupunta?" agad kong tanong.Mukhang nakapagpalit na siya ng damit.

"Uuwi na ako,salamat sa tulong.Pero sana ito na ang huling pagkikita natin.Hindi ko na kasi kaya kung makikita ko pa ang pagmumukha mo.” Pagkatapos niyang sinabi iyon ay umalis na siya.

Ayaw na niya akong makita? Sabagay mas mapapadali lang ang pag-iwas ko sa kanya kung ganito kami.Ngayon ko lang naman siya nilapitan ulit after nung incident na yun. Lumapit na pala ako sa kanya noon,kung hindi ako nagkakamali pinuntahan ko siya sa may playground ng school (Bradford University).Binigay ko pa nga sa kanya yung panyo ko.

Bumangon na ako,umaga na rin pala.Sunday ngayon at may meeting ang Devilly 6.Anim kami sa grupo at ako ang leader.Kami yung grupo na hindi pa-cool lang.Basagulero kami,panay away ang hanap namin.At higit sa lahat,matakaw sa patayan.

Nagbihis na ako at nagpa-gwapo.Gwapo na pala ako kaya no need. 

Sumakay na ako sa kotse ko at pinaharurot yun papunta sa hideout namin.Kung sa iba ay parang warehouse ang hideout nila kami naman ay parang isang MANSYON! Or should I say MANSYON talaga.

After a minute ng pagmamaneho nakarating na ako.Automatic na nag-bukas ang gate dahil malayo palang ay may look out nakami dito.

Kaming anim ay may mga tauhan pa.Sa medaling salita boss kami ditto.

 Pumapatay kami ng mga inosente na tao, kahit hindi namin gusto.Kailangan eh, kung hindi babagsak ang rank namin, ngayon kasi kami ang pinaka-mataas na grupo.Kumbaga tinitingalaan ng lahat.

Pag-baba ko sa kotse,

"Bro! Watch out! " sigaw ni Leo sa akin,buti nakahilag ako.Paano ba naman naglalaban sila ng katana ni Aljo! Pero daily habit na nila yun.So sanay na ako,pero kung bago ka dito,sa kanila lang mamamatay kana,hindi man sa laban.

Pagpasok ko sa loob ay nandoon na rin ang iba(Homer,Justin,Ronnel) 

Pumasok na rin ang dalawana kanina pa namin naririnig ang pagkikiskisan ng mga katana nila.Umupo si Leo sa tabi ko.

"Dun nga kayo! "sigaw ko sa kanila.

"Bro naman eh,bango ko pa kaya" nakapout pa siya with puppy eyes.Ewan ko ba kung paano nagkaroon ng fiancee ito.

Oo,naka-engage na siya.Pati kami nabigla rin nung una.Pero nung nalaman namin na si Trisha Mercado ang fiancee niya,ok na sa amin. Pano ba naman kaugaling-kaugali niya,eng eng din! Pero expert siya sa mga iba’t-ibang klase ng mga baril,samantalang si Leo bihasa sa katana.

Bigla naman nagsalita si Ronnel,siya yung pinaka tahimik sa grupo pero masasabi ko rin na isa sa mga marami ng napatay.Kung hindi ako nagkakamali 127 na ang napatulog niya and lahat sila sa isang tama ng bala sakto sa dibib ang dahilan.Yun yung pinaka pinagtatakhan namin.He is AMAZING. 

The Bad Boy Fell In love (PUBLISHED UNDER LIB)Where stories live. Discover now