Season 2- ❤ vi

3.1K 47 5
                                    

Hi guys! Sorry for the long wait.Sana magustuhan niyo :) I hope magkaroon kayo ng time para mabasa yung isa kong story na "Boundary".Thank you and God bless! :)

Chrissy’s POV

Isang linggo narin ang nakalipas simula nang makatanggap kami ng mga box na naglalaman ng mga kung anu-anong bagay.Noong una ay mga picture namin na nagkakasiyahan na may bahid ng dugo.At madalas naman ay mga blank death certificates.Si Serenity ang iniisip namin na nagpapadala sa mga ito dahil siya lamang ang alam namin na may masamang balak sa amin.Pero sabi ni Xander ay wala naman siyang napapansin na kakaiba sa mga kilos nito kaya napapaisip kami kung may iba pa bang nagtatangka sa amin.

Buti at napapayag ko na si Xander na pumasok na ako sa trabaho dahil ilang araw rin akong nabakante sa bahay.Nakakainip kapag wala kang ginagawa lalo na at wala akong makausap sa bahay kung hindi si Aling Martha.Yun nga lang ang daming nakabantay sa akin,daig ko pa yata ang Presidente.Ayaw na kasi ni Xander na mangyari ulit yung insidente noon sa opisina.Pero yung nangyari na iyon,hindi parin matukoy kung sino ang may gawa.Kinalimutan nalang namin at mas nag-ingat nalang.Mas maganda kasi na hindi namin masyadong ipakita na naaapektuhan kami.

“Mam nandito na po sina Miss Cabrera,naghihintay na po sila sa conference room.” Ngayon ko palang naasikaso lahat,ang daming naiwan na trabaho kaya heto ako ngayon walang pahinga dahil sa mga meeting.

Nag-ayos lang ako saglit bago lumabas ng opisina.Pagpasok ko agad sa conference room ay dumiretso na ako sa harapan para pormal na umpisahan ang meeting.

“First of all,thank you Miss Janet Cabrera sa pagpayag na i-move ang meeting natin kahit napaka personal ng rason ko.We need to catch up sa mga na-cancel nating mga meeting.So let’s start right away.” Nag umpisa na ang diskusyon namin tungkol sa negosyo.Hindi ko namalayan na masyado kong napabayaan ang kumpanya dahil mas malaki ngayon ang sales ng kakumpitensya naming clothing line.Kailangan naming makabawi dahil masyado kaming maapektuhan kapag nagpatuloy ito.

“Kailangan nating mag-tulungan para makabalik sa dati.Kung may mga suggestions kayo, please let me know.” Sunud-sunod ang mga nag-taas ng kamay para ma-share ang mga idea nila.Kung tulung-tulong kami sa pagbuo ng bagong blast para sa next week fashion show,paniguradong magiging successful ‘to.

Ilang meetings din ang pinuntahan ko ngayong araw.Pauwi na ako ngayon at tinext ko si Xander na mauuna na akong umuwi dahil pagod na din ako.Nang makarating ako sa tapat ng bahay ay agad akong bumaba ng kotse.Nakita ko pang dumaan ang kapit-bahay namin na si Kuya Jan na nilalakad ang aso niya na si Oreo.Binigyan ko nalang siya ng isang ngiti at nagmadali nalang pumasok sa loob.

“Hija nagluto ako ng palabok,kung gusto mo ay sabihin mo lang sa akin para mapag-handa kita.” Kahit kailan talaga hindi ako pinababayaan ni Aling Martha.

“Hintayin ko na po si Xander para sabay nalang po kami mamaya,kayo po kumain na po kayo.”

“Sige, magpahinga kana muna at mukhang pagod na pagod ka talaga.” Nagpatuloy siya sa paglilinis sa may sala at tumuloy na ako sa kwarto naming para magpahinga.

Nilapag ko sa higaan ang dala kong bag at mga folders na galing sa opisina.Kailangan ko ng isang warm bath para matanggal ang stress na nararamdaman ko ngayon.

----

Halos isang oras yata akong naligo para mapahinga ang katawan ko.Pagkatapos kong nagbihis ay bumaba na ako para pumunta sana sa may sala nang makita ko si Xander na saktong papasok ng bahay.Halatang sa itsura nito na pagod ito sa trabaho pero nang tumingin ito sa akin ay pinilit niyang ngumiti.Agad ko siyang nilapitan para kunin ang mga dala niyang gamit.

The Bad Boy Fell In love (PUBLISHED UNDER LIB)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora