❤ xix

3.6K 88 8
                                    

-Xander’s POV

Alam ko na kagagawan lahat ni Krusaint iyon.Ang sulat na natanggap ko noong nasa hospital ako.Yung eksena sa Socialization alam niya na ako ang tutogtog ng piano para sa slow dance.At ang pagkamatay ng kaibigan ni Chrissy,siya ang gumawa nun.Sa pag iimbestiga ng grupo namin sa kanya,nalaman namin na siya ang leader ng AXIS.Ang grupong ito ang nagtatangkang pumatay kay Chrissy.Nasa maling kamay ang babaeng mahal ko.Hindi ko siya pwedeng ipaubaya nalang.

Ako naman ang nagpadala ng sulat sa leader ng AXIS.Gaya ng sinabi niya sa akin na back off ganoon din ang binalik ko sa kanya.Una palang ay akin na si Chrissy.Plano kong tapusin ang mga gulo na sinimulan namin noon.Aayusin ko na ang mga problema para makapag-simula na kaming lahat ng maayos na buhay at para sa amin narin ni Chrissy.

Papunta ako ngayon sa hideout mismo ng AXIS.Nakahanda na ang lahat,ang mga back up ko sa grupo nakaantabay na silang lahat at ang sarili ko ay handang-handa na rin sa mga pwedeng mangyari ngayon.

Sa pagbukas ng pinto ay sinalubong ako ni Krusaint.Nakangisi ito na para bang may alam rin sa mangyayari ngayong araw.

“Maligayang pagdating sa AXIS Kuya.” Bati nito na hindi ko maintindihan.

“Kuya? Sino ang tinutukoy mo?”

“Ako ito,si Xyrill.” Tinaas niya ng kaunti ang suot niyang damit at pinakita ang hugis diamond na birthmark niya sa may tagiliran.Isa lang ang may alam kong may ganoon,ang kapatid ko.

“I-it can’t be.Paano nangyari iyon? Bakit ka nasa ganitong gulo? Mas ginawa mong komplikado ang lahat.” Maski ako ay naguguluhan sa mga nangyayari ngayon.

“Ang mga pumatay sa mga magulang natin ay patay narin.Lahat sila ay binura ko na sa mundo.Hahahaha!” Napaka-weirdo ng mga kilos niya.Nagseseryoso ang mukha niya pero maya-maya’y tumatawa ito kahit wala naman dahilan.

“Nakuha mo na ang gusto pero bakit nagkakaganyan kapa? Bakit pati si Chrissy ay dinamay mo?”

“Siya ba? Isa lamang siyang laruan na gusto kong paikutin sa mga kamay ko.Gusto kitang saktan sa pamamagitan niya.Masyado ng naaaksaya ang oras ko sayo,ganun pala katibay ang pagmamahal mo sa kanya.Maski ang isang tulad niya ay inayawan mo.” Turo nito sa babaeng lumabas sa isang pinto malapit sa kinatatayuan namin.

Si Mary Joyce.

Lumapit ito kay Krusaint at hinalikan pa ito.

“B-baby” isang mahinang boses ang nagpatigil sa kanila.Nasa may gilid ito ng staircase.

Bahagyang tinulak ni Krusaint si Mary Joyce.

“Halika lumapit ka dito.” Utos ni Krusaint.

“A-ayoko.Ngayon alam ko na,pinaglalaruan mo pala ako.” May bahid ng galit at pag-sisisi ang tono ng pananalita ni Chrissy.Gusto ko siyang lapitan pero alam ko hindi ako pwedeng magpadalos-dalos.

“Sabi ng lumapit ka dito!” Hinila ni Krusaint si Chrissy papalapit sa akin.

“Ano ba Krusaint nasasaktan ako!” pagpoprotesta nito dahil ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay nito.

“Talagang masasaktan ka dahil hindi ka marunong sumunod.”

Hindi na talaga ako nakapag-pigil.Hinila ko si Chrissy sa kanya at pinapunta ko sa likod ko.Walang tigil kung suntukin ko si Krusaint kahit nakikita kong dumudugo na ang labi niya.

Inaawat ako ni Mary Joyce at ni Chrissy.

‘Xander mapapatay mo siya,tumigil kana please” hinihila ni Chrissy ang kamay ko.

“Talagang mapapatay ko ang lalaking ito dahil sa pang-gagago niya sayo!” isang malakas na suntok ang binitawan ko bago ko siya tigilan.

Niyakap ako mula sa likod ni Chrissy.Nakalma ako sa ginawa niya.Samantalang si Mary Joyce ay tinutulungan si Krusaint.

“Tara na umalis na tayo dito.” Hinawakan ko ang kamay niya at palabas na sana kami ng pinto.

-Chrissy’s POV

Masaya sa pakiramdam na nakawala ako sa isang relasyon na nabuo lang para sa paghihiganti,salamat at dumating si Xander para saluhin ako.

Nagwala ang mga paru-paro sa tiyan ko ng maramdaman kong nakahawak na siya sa kamay ko.

“Tara na umalis na tayo dito.” Naglalakad na kami palabas ng lingunin ko si Krusaint .May hawak na itong baril at nakatutok kay Xander.

Bumitaw ako sa kamay ni Xander at niyakap siya mula sa likod.

BENG!

Naramdaman ko ang pagbaong ng isang maliit na bagay sa likod ko.Parang nagmanhid ang buong katawan ko at bigla nalang tumumba.

Sa pagkakahiga ko sa sahig ay nakita ko si Xander na may hawak naring baril at sunud-sunod na pinaputok iyon kay Krusaint.

Lumuhod ito para buhatin ako.Habang buhat niya ako ay hinawakan ko ang pisngi niya.

“Xander tama ka,ikaw parin ang mahal ko.Sorry sa lahat,gusto ko sanang mag-umpisa tayo pero hindi ko alam kung kakayanin ko pa.” Wala akong naririnig na sagot niya pero ang luha na niya ang nagpapaliwang ng gusto kong sagot.Walang tigil ito at halatang nagpipigil pa.Unti-unti ng pumipikit ang mga mata ko hanggang sa wala na akong makita at maramdaman.

The Bad Boy Fell In love (PUBLISHED UNDER LIB)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum