❤ xv

3.7K 81 7
                                    

-Xander’s POV

Ilang araw na rin ang nakalipas at ngayon ang araw na nakalabas ako sa hospital.Hinatid ako ng Devilly 6.Pagdating sa bahay ay sinalubong ako ni Aling Martha,nandoon din ang mga anak niya,si Kyla at Lyne.

“Kuya ok ka na po ba?” tanong sa akin ni Kyla.

“Malamang ok na siya Kyla kaya nga nakalabas na siya ng hospital” si Lyne ang sumagot.Natatawa ako sa dalawang batang ito.

“Nagtatanong lang naman eh.” Sumimangot si Kyla.

Ginulo ko ang buhok ng dalawa.Parang kapatid na rin kasi ang turing ko sa kanila.

“Mga bata,hayaan niyo munang magpahinga si Xander para sabay-sabay tayong makapag-tanghalian mamaya.”

Umakyat na ako sa kwarto at agad na humiga.Maraming pumasok sa isipan ko,lahat ng pinagdaanan ko sa buhay.Sumagi tuloy sa isip ko ang kapatid ko.Matagal na rin kaming nagkahiwalay,walang nakakaalam kung nasaan siya.Matapos ang malagim na pangyayaring iyon ay hindi ko na siya nakita.Ang araw na nawala lahat sa akin.

Flashback

 

Masaya kaming naghahapunan nina Mom,Dad at ang nakakabatang kapatid ko na si Xyrill.Madalas kaming ipagkumpara dahil sa parehas kaming gwapo.

 

Sa kalagitnaan ng pagsasalo-salo namin ay tumunog ang security alarm ng pinto sa pinaka entrance ng bahay.Lumapit sa amin si Aling Martha.Tinignan ni Dad kung sino ang mga pumasok pero paglabas palang niya sa may sala ay pinagbabaril na agad siya.Bigla kaming niyakap ni Mommy at hinalikan sa may noo.Bago siya sumunod kay Dad ay may sinabi siya kay Aling Martha na hindi ko maintindihan.Bata pa kami masyado ni Xyrill at wala pang alam sa mga nangyayari.

 

Hinila kami ni Aling Martha papunta sa gilid ng hagdan malapit sa hapag-kainan.May maliit na pinto doon at pumasok kami.Nahaharangan ito ng malaking cabinet kaya hindi mo mapapansin na may pinto pala sa likod nito.Hindi ko alam na may ganito pala sa bahay.Sa loob nito ay parang may maliit na sala.Dali-daling nilock ni Aling Martha ang pinto at pinaupo kami ni Xyrill.Walang tigil sa paglakad ng balik-balik si Aling Martha at nakarinig kami ng maraming putok ng baril.Niyakap niya kami na para bang pinapatahan.Nakita ko siyang umiiyak na walang tigil

 

Kusang tumulo ang luha ko kahit wala akong ideya sa mga nangyayari.Si Xyrill naman ay walang kibo at nakatingin lang sa kawalan.Alam kong gulong-gulo rin siya sa mga nangyayari.

 

“Mahal na mahal kayo ng mga magulang niyo.” Umiiyak na sabi ni Aling Martha.

 

“Patay na po ba sila?” inosenteng tanong ni Xyrill.

 

Hindi makasagot si Aling Martha.

 

“Nakita ko po si Daddy kanina,ang daming blood.” Nakita niya pala iyon kanina.

 

“O-oo wala na sila.” Muling nanahimik ang lahat.

 

The Bad Boy Fell In love (PUBLISHED UNDER LIB)Where stories live. Discover now