Season 2- ❤ viii

2.7K 48 7
                                    

Pagkatapos ng mahabang kwentuhan sa bahay nina Tita ay sa wakas at nakauwi na rin ako.Tulad kanina ay sinusundan ako sa may likod ni Ronnel hanggang sa makarating kami sa may gate ng subdivision at hanggang doon nalang ako nagpahatid,baka kasi may makakita sa’min at ano pa ang isipin nila.

Nadatnan ko na si Xander sa may sala at I’m sure na hinihintay niya ako kaya agad ko na itong nilapitan.

“How was your day Hon?” tanong nito sa’kin sabay salubong ng yakap.

“Nakakapagod pero masaya,Tito Rodel wants to meet you.Kailan ka ba free para makapasyal ako ulit doon na kasama ka?” I asked with a puppy eyes para naman pumayag agad.

“By next week sige punta tayo.” Hindi ko inasahan na next week na agad.Ito talagang asawa ko nagpapa good shot ng todo sa family.

“Okay,I’ll text them nalang para alam nila.”

Inakay na niya ako papunta sa kwarto para makapagpahinga.Sumakit ata ang panga ko sa kakatawa kanina dahil sa mga kwento ni Tita Linda pero I really enjoyed our bonding time.Ito yung nakasanayan namin sa family,hindi dapat mawala ang quality time together.

“Hon I checked on your email kanina kasi ginamit ko yung laptop mo,Mom sent you a photo kaso hindi ko pa tinignan.” Dali-dali kong tinungo ang table sa kwarto kung saan nakalagay ang laptop.I turn it on,naka sleep mode lang pala.Bumungad agad sa’kin yung sinasabi ni Xander at mabilis kong binuksan ang message,it was a photo of Mom and Dad na may kasamang isang guy.I read the caption below, “Me and your Dad together with Hiro!”

“OMG Hon! Sina mommy may picture kasama ang childhood bestfriend ko! Look!” I waved at Xander para lumapit sa akin.

“He’s your what?” kunot-noong tanong nito.

“He is my one and only childhood bestfriend,si Hiro.” Buong pagmamalaki ko’ng pakilala sa kanya.

“No,it can’t be.” Umiling ito at bumalik sa higaan.Ano’ng problema ‘nun?

Nag type nalang ako ng reply kay Mom bago pumasok sa banyo para maligo.Gusto ko na din magpahinga.Bukas ko nalang siya tatanungin about kay Hiro.

[KINABUKASAN]

“Hey sleepyhead,wake up! Breakfast is ready.” Kanina ko pa ginigising si Xander pero tulog mantika pa rin.Buti at pareho kaming walang trabaho ngayon kaya okay lang na late siyang gumising pero it’s already ten in the morning kaya kailangan na niyang kumain.

“Later Hon,I want to sleep.” Parang bata ito na tinatamad tumayo.Bigla ko itong kinurot sa tagiliran para magising siya at effective naman kasi tumayo ito.

“Tatayo ka rin pala,tara na sa kusina para makakain na tayo.”  Bago pa kami tuluyang makalabas ng kwarto ay nag-ring ang phone ko na agad ko naman sinagot.

[Hello,Chrissy?] sagot ng nasa kabilang linya.

“Sino ito?” tanong ko at napatingin ako kay Xander na napansin kong nakakunot ang noo nito.

[Chi! Si Hiro ‘to!]

“OMG! Really? How are you Orih? It’s been a long time.” Tuluyan na talagang nag walk out ang asawa ko,tampo na naman sigurado.

[Okay na okay lang Chi,nakita ko sina Tita sa Europe.Buti hindi ka nila sinama?]

“May trabaho kasi kami ng asawa  ko kaya hindi kami makaalis.”

[What?! Asawa?!] Bigla kong nailayo ang cellphone sa tenga ko dahil napalakas ang boses niya.

“Hindi ba nabanggit nina Mama sa’yo na I’m already married with the most handsome guy in the universe?”  Biro ko sa kanya pero it’s true,my husband is so handsome.

The Bad Boy Fell In love (PUBLISHED UNDER LIB)Where stories live. Discover now