Season 2- ❤ vii

2.8K 47 7
                                    

Hearty Note: Read my other story -- Boundary :) Thank you!

Chrissy’s POV

Maaga akong nagising para mag-handa sa pagpasok ko sa trabaho.Babangon na sana ako nang bigla kong maramdaman ang braso ni Xander na nakayakap sa beywang ko.Dahan-dahan akong humarap sa kanya at pinagmasdan ang asawa ko.Halatang pagod ito at kailangan pa ng tulog kaya sinikap kong tumayo na hindi siya nagigising.

Kinuha ko ang mga damit na isusuot ko sa cabinet at inilapag ko ito sa kama pero medyo malayo kay Xander,baka kasi masipa niya ito at malukot.

Dumiretso na ako sa banyo para makaligo.Kailangan kong makapunta agad sa office dahil may pupuntahan pa ako pag-dating ng lunch.Pagkatapos kong maligo ay mabilis na rin akong nakapagbihis at nakapag-ayos sa sarili ko.Kumuha ako ng sticky note na nasa side table at sinulatan ko iyon para makapag paalam kay Xander,ayaw ko naman kasi siyang gisingin dahil alam kong pagod ito.Bago ako lumabas ng kwarto ay hinalikan ko ito sa noo.Pumunta ako sa may kusina at iniwan ko sa may sala ang mga gamit ko.Nadatnan ko na roon si Aling Martha.

“Hija,ito na yung almusal niyo.Nasaan na si Xander? Hindi ba siya kakain?”

“Natutulog pa po siya e,umalis po kasi ito kagabi at may inasikaso.Ang mabuti pa po Aling Martha ay samahan niyo nalang po akong kumain para hindi naman po masayang ang hinihanda niyo dahil mamaya pa po sigurado babangon ang alaga niyo.” Umupo na ito sa tabi ko at nag-umpisa na kaming kumain.Nag-kwento si Aling Martha at ganoon din ako.Masaya kaming nag-uusap at hindi ko na namalayan ang oras nang matapos kaming kumain.Mahuhuli na ako sa meeting kung hindi pa ako magmamadali.Sana ay hindi traffic.

Nagpahinga muna ako ng kaunti at saka na nagpaalam kay Aling Martha at hinabilin si Xander sa kanya.Mabilis akong sumakay sa kotse at pinaharurot na ito.Hindi ako masyadong sanay na magdrive ng mabilis pero kailangan na ngayon dahil oras na.

Nakarating ako sa opisina at dumiretso na sa working area ko.Marami pa rin ang nakatambak na papeles na kailangan tapusin.Pero may isang folder na nakapansin ng atensyon ko.Kulay pula ito at may nakasulat na “Xander & Chrissy”.Wala naman akong naaalala na may kailangan akong ganito.Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang mga litrato namin noong ikinasal kami ni Xander at mga stolen shots kapag lumalabas kami.Dali-dali kong itinago ito sa drawer at kinalimutan muna ito dahil ayaw kong masira ang araw ko para sa mga ganitong bagay.Katulad nga ng sinabi ni Xander,wag daw namin ipakita na nagpapaapekto kami.

Pumunta na ako sa conference room at dinatnan na silang lahat doon.Ako nalang talaga ang hinihintay.Pagpasok ko ay tumahimik na silang lahat.Pumwesto na ako sa upuan ko at agad na inumpisahan ang topic na kailangan naming pag-usapan.

“As we all know,malapit na ang event na gagawin natin para sa mga future business partner ng company.We need to have a very unique presentation about our proposals para maging madali sa atin na makuha sila as business partners.So if may idea kayo,you’re free to suggest.Anyone?”

Katulad ng inaasahan ko,maraming nakaisip ng mga kakaibang pakulo para sa event.

“Miss Ivy Mendoza will be in-charge for the brainstorming of your ideas.After that paki-finalize lahat at ilagay sa iisang folder para mapag-aralan ko kung paano natin magagawa yun.” Marami pa kaming pinag-usapan para sa mga upcoming event na ginagawa namin.Bumalik ako sa opisina ko nang tuluyang matapos ang meeting namin na umabot din ng dalawang oras.

Makalipas ang mahigit isang oras naman ay natapos ko ang mga papeles na kailangan ko para sa presentation bukas dahil malapit next week na ang event na hinanda namin.Parang business party dahil exclusive lang ito para sa mga company na possible maging business partners namin.

The Bad Boy Fell In love (PUBLISHED UNDER LIB)Where stories live. Discover now