❤ ii

9.7K 241 55
                                    

-Chrissy's POV

 

Ngayon ang araw na papasok ako sa bagong school na sinabi ni Mommy.

"Taas naman ng gate neto" bulong ko noon nakarating na ako sa harap ng school.

"Ah oo,ganyan talaga"

"Pero bakit?" tanong ko

"Kung gaano kataas ang gate ng school ganun kataas ang kasikatan nito."

"Ganun pala yun" napag-tanto ko na may iba akong kausap.

Tumingin ako sa may gilid ko.

"Hello Miss! Bago ka dito?Ako nga pala si Katherine Manalang.Pero tawagin mo nalang akong Kath “

Inabot niya ang kamay niya for a shake hands.

 

"Nice to meet you,I’m Chrissy.Bago lang ako dito.”  nag-shakehands kami.

 

"Ganun ba,tara at ililibot muna kita. "

I just nod.

Pumasok na kame sa school at WOW,ang laki talaga! Salita ng salita itong kasama ko pero ako nililibot ko lang ang paningin ko sa buong lugar. Na-amaze ako,triple yata ang laki nito kesa sa dating school ko.

"Uy,nakikinig ka ba sa akin?" habang wini-wave niya ang kamay niya sa may tapat ng mukha ko.

"Ah o-oo.Nagandahan lang ako sa kapaligiran.Ang laki kasi e." 

"Bakit? Hindi ba ganito yung school na pinapasukan mo dati?" 

"Maganda rin naman yun,kaso mas malaki lang talaga to." sagot ko

"I see,Ano pala ang year and section mo dito?" 

"4th year section B."

"Tignan mo nga naman ang pagkakataon.Classmate tayo!"tinapik pa ang shoulder ko.

"Talaga??" hindi ko alam kung bakit tuwang tuwa ako.

"Oo nga,unlimited te?Ulit-ulit? 

"Naninigurado lang" may pagkaloka-loka din pala ito.

Niyaya na niya akong pumunta sa classroom namin sakto naman at nakasabay namin maglakad ang teacher namin na magiging bagong adviser ko.

"Ma’am! transferee po natin.Si Chrissy" sabi niya kay mam habang naglalakad.

"Ikaw pala yung bagong student dito." ngumiti siya sa akin "I will be your adviser,I’m Ma’am Nelisa Solis"

"Thanks Ma’am"and I smiled back.

 Walang katapusan na paglalakad at pag-akyat yata ng hagdan ito.Sa 4th floor pa pala ang classroom namin.

Sa wakas at nakarating na rin.

 

"Dito tayo " turo ni Kath sa tapat na pinto.

Una silang pumasok sa akin.

Naririnig ko si Ma’am Nelisa hanggang dito sa labas.

"Class nandito na ang bago niyong classmate.Maging mabait kayo sa kanya.Miss Chrissy,pasok na. 

At pumasok na nga ako.

Di ko inaasahan ito,bulungan sa paligid.Akala ko maayos na.Hindi ko alam umabot pala ito hanggang sa school na ito.

"Hindi ba siya yung tiga R.U?"

"Oo,kriminal yan e"

"OMG,may kaklase tayong mamamatay tao"

"Wag kayong maingay baka marinig niya kayo"

Ito ang bumungad sa akin.Mga panghuhusga na nagmumula sa mapanlait nilang bibig.

Di ko napigilan,tumakbo na ako palabas ng room.Humabol pa ng tawag si Katherine.

"Chrissy!Sandale!" sigaw niya pero parang wala na akong narinig.

Di ko na siya pinakinggan, tumakbo na lang ako ng tumakbo.Hanggang sa makakita ako ng playground na malapit sa parking lot ng school.

Habang patungo ako doon kasabay na pala nito ang pag-tulo ng luha sa mga mata ko.

Iniyak ko na lahat.LAHAT LAHAT.

Naalala ko ang gagong lalaking yon! Dahil sa kanya nawala lahat sa akin.Mga kaibigan na inakala kong maniniwala sa akin.

It's not my fault that people don't know me. I'm going to speak my mind, no matter what the consequences are.

 


Hindi dapat ganito.

Lilinisin ko ang pangalan ko.

Hindi dapat ako ang mag dusa sa kasalanan ng iba.

"Here"

May nag-abot sa akin ng panyo.Nilagay niya ito sa lap ko.

Bago ko pa man siya malingon.Nakaalis na siya.At likod nalang ang nakita ko.A boy wearing a bonnet.With headphone on it's ears.Backpack on his back.

WEARING BLACK PANTS AND SHIRT.

"Thank you" I whispered 

Binalik ko ang tingin ko sa panyo.

May initials, X.R

The Bad Boy Fell In love (PUBLISHED UNDER LIB)Where stories live. Discover now