❤ xi

3.7K 79 3
                                    

-Ronnel’s POV

Nandito kami ngayon sa hospital.Nabalitaan namin na naaksidente si Xander.May nakakita daw sa kanya na nakabaligtad ang kotse na minamaneho niya.Buti at may tumulong sakanya kaya nasugod agad siya sa hospital.

It’s been 3 hours.Hanggang ngayon ay inooperahan pa daw siya.Lahat ng miyembro ng Devilly 6 ay nandito pwera nalang kay Justin na nasa Pampanga pa.Lahat ay nag-aalala,itong si Homer ay kanina pang lakad ng lakad.Halatang kinakabahan.

Sa paghihintay namin biglang lumabas ang doctor at sinalubong agad ni Homer.Medyo malakas naman ang pagsasalita ng doctor kaya lahat kami ay nakinig.

 

“The patient experience severe loss of blood.And kailangan niya pang mag-undergo ng different kinds of examinations.But for now,he is in a state of coma.”

“Doc kelan po siya gigising?” tanong ni Homer.

“Sorry,pero wala pang kasiguraduhan.Pero don’t lose hope miracles happen.” After nun ay tinapik niya ang balikat ni Homer at umalis.

Di namin alam ang gagawin sa oras na yun.Nilipat na sa isang ICU si Xander at pwedi na namin siyang makita.

Pagpasok sa loob ay parang hindi namin siya makilala.May benda siya sa ulo,nakasemento ang paa niya at may dextrose.Lahat kami ay nasa loob at hindi makaimik.Hindi pa namin alam kung kelan siya gigising.May isa pang bagay na sumagi sa isip namin.Si Chrissy,baka siya ang dahilan kung bakit nagkaganito si Xander.Masyado kasi siyang nagpakaseryoso sa pag-ibig,wala naman magandang maidudulot iyon.Mga babae talaga mga pahamak at sagabal.

[K.I.N.A.B.U.K.A.S.A.N]

(still Ronnel’s POV)

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Xander at nag-iisa lang ako.Ang iba kasi ay inutusan ko na para sa paghahanda namin sa paglusob ng mga kampo ng Rockfitters.Isa sila sa mga malalakas na grupo ng mga gangster na gustong kumalaban sa amin.Pero pagdating sa mga strategies at techniques walang wala sila sa amin.Sila yung inuuna ang kilos kesa sa pag-iisip.

Biglang nag-ring ang phone ko.

Aljo Calling..

“What’s up?” sagot ko sa kanya.

“Mission clear dude.How is he?”

The Bad Boy Fell In love (PUBLISHED UNDER LIB)Where stories live. Discover now