❤ iii

8.2K 208 37
                                    

-Kath's POV

Pagkalabas ni Chrissy agad akong tumayo para sundan siya.

"Chrissy! Sandale!" sigaw ko

Pero tingin ko anak siya ni Flash,ang bilis tumakbo.Wala na agad sa paningin ko.

Binaling ko ang tingin ko kay Ma’am Nelisa.Wala pa man akong sinabi nag nod na siya.

Super Heroes na ba yung mga tao ngayon? Bakit hindi ko alam?! 

Si Chrissy anak ni Flash.

Si Ma’am Nelisa mind reader na!

Sino pa ba mame-meet kong superhero?

*erase* erase* erase*

Ngumiti nalang ako kay Ma’am Nelisa at kumaripas ng takbo!

Hinanap agad ng mata ko si Chrissy.

Sa kakamadali ko ay nabangga ako ng isang kapre.Este isang matangkad na lalake.

"Aray"  napahawak ako sa may pwetan ko dahil yun ang unang bumagsak sa akin.

"Di mo kasi tinitignan ang dinadaanan mo" sagot ng isang lalaking bastos na ito.Nakita na nga akong napaupo sa sahig di pa talaga tutulungan.

Tinignan ko lang siya habang nakaupo pa ako.

"Tingin mo tutulungan kita?" ngumisi lang siya  "Sorry nagmamadali ako" At tuluyan na akong iniwan. Linampasan niya lang ako.

Tumayo na ako at tumingin sa direksyon na pinuntahan niya at sinigawan siya ng malakas.

"Hoy Lalakeng puro itim na mukhang alagad ni Satanas! Salamat ha! Napaka gentleman mo!"

Buti nasa may hallway kami ng auditorium, walang classroom na malapit dito.Kaya kahit magsisigaw ka walang makakarinig sayo.

Hindi man siya lumingon! Instead itinaas niya lang yung right hand niya at nag-wave.

  

Padabog akong humarap sa kabilang direksyon kung saan talaga ako papunta para tignan yung playground malapit sa parking lot. Isa kasi sa exit ng school itong dinaanan ko.

 Nadako ang paningin ko sa may slide ng playground. Ang kawawang Chrissy,nakaupo sa dulo dito at umiiyak.Habang nakatitig sa panyong hawak hawak niya.

Lumapit ako sa kanya.

"Alam mo hindi gagalaw yang panyong yan para punasan yang luha mo."pagbibiro ko sa kanya.

Napatingin siya sa akin na para bang gulat.

"N-nandyan ka p-pala,sorry di k-ko napansin" nauutal na sabi niya kasabay ng mga hikbi.

Hay nako.Pano ba to? Di ako makapag salita.Hindi ko alam pano siya i-comfort. Hindi ako magaling sa mga bagay na ito.Simula kasi noong…wala wala, hindi na mahalaga iyon.

The Bad Boy Fell In love (PUBLISHED UNDER LIB)Where stories live. Discover now