❤ xiii

3.3K 73 4
                                    

-Chrissy’s POV

Sa bawat araw na lumipas parang lalo kaming nagkalapit ni Krusaint.Itong si Kath na noon ay gustong-gusto si Krusaint ay kinikilig na sa aming dalawa.Akala rin iba na may relasyon na kami.

Pero sa mga araw narin na iyon ay nakakaramdam ako ng pagdududa sa kanya.Minsan kasi ang weird ng mga kilos niya.Sino ba naman ang matutuwa sa kanya,minsan ang saya-saya niyang kausap tapos biglang tatahimik at nagtatampo daw sayo.Nakikisakay nalang ako sa ugali niya.Kasi iniisip ko na may pagka-childish lang talaga siya.

Nasa may gate na ako ng school ngayon ng biglang may nagtakip sa mga mata ko.Ang amoy ng pabango niya ay kilalang kilala ko.

“Krusaint?”

Hindi ako nagkamali,siya nga.

“Good Morning!” masiglang bati nito.

“Good Morning din! Tara na?”

Naglakad na kami papasok ng school.May grupo ng estudyante kaming nakasalubong,mga lalaki.Masama ang tingin nila kay Krusaint.Ginantihan niya rin ang mga ito ng masamang titig.Tumigil sila sa paglalakad  at ganun din si Krusaint.Nabalot ng tensyon ang paligid.

“My Princess,mauna kana muna,susunod nalang ako.” Baling niya sa akin.May masama akong pakiramdam sa mangyayari.

“Ok sige” kunwaring pagpayag ko.Naglakad ako palayo sa kanila at sinulyapan siya.

Kasama niyang naglakad palabas ng school ang mga lalaking iyon.Nang hindi ko na sila matanaw ay bumalik ako para sundan sila.

Hindi ko alam kung saang direkyon sila nagpunta.Pinili ko sa gawing kaliwa muna ako maghahanap.Tingin ako ng tingin sa paligid pero maski anino nila ay wala akong makita.

Pumasok ako sa may eskinita sa gilid ng abandonadong gusali.Sobrang layo naman yata ng dulo nito.Nag-ring ang cellphone ko kaya napatigil ako sa paglalakad.

~Kath calling~

 

 ( Hoy babae! Nasaan ka? )

“Sinusundan ko si Krusaint.Mamaya nalang,marami akong kailangan malaman sa ngayon.”

(Parating na s----)

Hindi ko na siya pinatapos at inend ko na.Dapat makita ko na si Krusaint.Ano ba talaga ang nangyayari?

Lakad ako ng lakad hanggang makalabas ako sa eskinita.Isang bakanteng lote ang tumambad sa akin,naroon ang mga lalakeng nakita ko na kasama ni Krusaint.Nakahandusay sila at tila galing sa away.Akmang lalapit na ako pero may humawak sa braso ko.

“Bakit ka nandito?” si Krusaint pala.Napatitig ako sa kamay niya na nakahawak sa akin,may mga sugat.

“Nag-aalala kasi ako sayo kaya sinundan kita.” Pero ang totoo ay nagdududa lang talaga ako.

“Wag na wag mo ng uulitin ito,dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sayo.” Binitawan na niya ako at nag-umpisang maglakad.

Parang nakaramdam ako ng mga paru-paro sa tiyan ko.

“Ano pang ginagawa mo diyan? Tara na.” Binalikan niya ako at hinawakan ang aking kamay.

Kusa lang sumunod ang paa ko.Napalakad na rin ako kasabay niya.Mali yata na nagdududa ako sa kanya.Sa ngayon hindi ko na muna siya tatanungin sa mga nakita ko,mas maganda na siya ang magkusa na magkwento sa akin.

Mabilis kaming nakalabas sa eskinita na iyon.Akala ko ay babalik na kami sa school pero dumiretso kami sa apartment niya.

Nasa may 2nd floor lang ang kwarto niya.Pagpasok namin ay kinaladkad niya ako papunta sa banyo at nilock akong mag-isa doon.Kahit nasa loob ako ay rinig na rinig ko ang pagsigaw niya.May mga nababasag,may mga nasisira.Nakaramdam ako ng takot sa ginagawa niya.

“Krusaint! Krusaint! Palabasin mo ako! Anong nangyayari sayo?” sigaw ko mula sa loob.

“Ayokong makita mo akong ganito Chrissy,diyan ka lang please” ramdam ko ang pagmamakaawa niya.

Hindi ako nag dalawang isip na tawagin ang parents niya.May number na ako ni Tita kaya dinial ko na.

(  Hello Chrissy,Iha? Napatawag ka? )

“Si Krusaint po,hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya.Nagwawala po siya dito.”

( N-nasan kayo? Wag na w-wag mo siyang lalapitan)

“Nasa apartment po niya,nasa cr po ako ngayon,dito niya po ako kinulong.”

(Dyan ka lang Iha,papunta na kami ng Tito mo. )

“Sige po Tita.”

Napalagay na ang loob ko dahil papunta ang parents niya.Pero wala pa rin tigil ang ingay na ginagawa niya.Lalo akong nagduda sa mga kilos niya.Sino ka ba talaga Krusaint?

The Bad Boy Fell In love (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon