❤ viii

5.9K 101 8
                                    

-Kath’s POV

 

[The next day]

“Chrissy pupunta ka ba sa Socia?” tanong ko habang naglalakad kami sa may hallway papunta sa classroom namin.

“Uhmmm,siguro.Di ko pa kasi alam kung anong meron sa Socia na yun eh.”sabagay first time niyang ma-experience ito ^O^

“Cge,explain ko sayo ha.Ganito kasi yan,pag socia lahat ng mga student from 1st year highschool hanggang 4th year college ay magsasama-sama.

Nakikinig lang siya.

“Ang mga college kasi ay hahatiin.Kunwari ang mga Tourism students ay kasama ng 1st year highschool.At ang mga may course ng computer related ay kasama ng 2nd year highschool.Oh kuha mo?”

 

“So tayo sino ang mga makakasama natin?”

“Every year naman ang mga 4th year highschool ay kasama ng mga Accountancy students.”

“Oh I see.Anyways, sabay tayong bumili ng cocktail dress ha!” ayun ang saya na.Nagets na niya eh.

“Sure.”sagot ko.

Pag-dating sa classroom ay naging cold na ang treatment niya sa iba.Pagkaupo namin ay saktong dumating na si Ma’am Nelisa.

“Good Morning Ma’am” bati namin lahat habang nakatayo.

“Good Morning din Class,sit down please.” Upo daw.Edi umupo na.“May bago tayong student 4B,please be NICE to him.” Naka-emphasize talaga ang “nice”

Nag-bulungan na naman ang mga iba naming kaklase.

“Sana hindi siya kriminal no?” girl 1.

“Oo nga,baka kagaya ni Chrissy” girl 2.

“Creepy!” girl 3.

“Ehemm!” umubo ng malakas si Chrissy na naging dahilan upang tumahimik ang mga bubuyog.

“So Mr. Krusaint,come in please and introduce yourself personally” sabi ni Ma’am Nelisa.

Bumukas ang pinto.

At. . . 

“Kyaaaaaaaaaaaaaaaahh!! Ang gwapo! “ tilian ng mga classmate naming babae.

The Bad Boy Fell In love (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon