❤ xviii

4K 78 4
                                    

-Jelie’s POV

Nakapag-decide na kami ni Justin na umuwi na muna.Nabalitaan ko na may boyfriend na pala si Chrissy.Kaya siguro hindi na niya pinatuloy ang paghahanap sa akin.

Nasa bahay na ako ngayon,hinatid ako ni Justin.Gusto ko muna sanang magpahinga pero hindi ko mapanatag ang sarili ko.Maraming tanong na pumasok sa isip ko.Naalala na ba ni Xander si Chrissy?Nagkita na ba sila?Sino ang boyfriend ni Chrissy?Parang lahat gusto kong malaman.

Ngayon ko lang ini-on ang cellphone ko.Ang daming mga text,halos galing sa mga classmates ko.Arjay David & Santos,Princess Diane,Jenny Rose,Linneth,Abigail,Michaella,Lovely,Krissel,Winnie,Gail,Mae,Maorine,Abegail.Ang dami pero isa lang ang sinasabi nila.

“Friend nasaan ka?Anong nangyari?” yan lahat ang natanggap ko.Masaya naman sa pakiramdam na nag-aalala sila sakin.Pero mahirap ipaintindi sa kanila ang nangyayari sa buhay ko.Lalo na at napaka-komplikado nito.Hindi ko lang alam kung paano ako makakagawa ng dahilan kapag nagtanong sila sa akin.Nag-suggest na si Justin sa akin na mag homeschool nalang ako para hindi na daw ako mamroblema.

Kailangan ko na yata talagang isakripisyo ang pag-aaral ko ng normal para sa kabutihan ko na rin.Tinext ko na si Justin para sa desisyon ko at gaya ng inaasahan ay tuwang-tuwa siya.Magkasama na kaming mag-aaral nun.Pero ang mga naging kaibigan ko sa school,panigurado ay mamimiss ko sila.Baka bigla pa nila akong sugurin dito sa amin kapag nalaman nila na hindi na ako papasok.

Hindi na talaga ako mapakali.Nagbihis ako para makapamasyal sa Mall malapit dito sa amin.Hindi ko ipapaalam kay Justin na aalis akong mag-isa dahil sigurado  ay susundan niya ako.Nagpahatid ako sa driver namin at hinayaan ko muna siyang umuwi dahil alam kong magtatagal ako.

[MALL]

Marami narin akong napamili,halos mga damit at sapatos.Naalala ko tuloy noong si Chrissy ang kasama kong mamili.Laging naghahanap ng damit na magkapareho,kasi gusto niya pareho lagi kami ng damit.Nakakamiss talaga,kung pwede lang ibalik ang dati noon pa ay ginawa ko na.Pero siguro talagang naka-plano na mangyari ito,nasubok ang tatag ko at ang pagkakaibigan namin ni Chrissy.Sa tamang panahon,sigurado magkakaayos din kami.

Tumigil muna ako sa Jollibee,bigla akong nag-crave ng sundae at fries.Pareho naming paborito ni Chrissy ang mga iyon.Ewan ko ba kung bakit iba talaga ang mga trip namin.

-Chrissy’s POV

Ngayon ang araw na mamimili ako ng mga damit,masyado na rin kasi akong stress ngayon kaya naisipan kong maglibang.Hindi na ako masamahan ni Krusaint dahil may aasikasuhin daw siya.So I decided to go on my own,kaya ko naman ito.

Pumunta ako sa boutique na lagi kong pinagbibilhan ng damit.Lumapit sa akin ang isang sales lady doon.

“Mukhang hindi niyo po yata nakasabay mamili kanina ang kaibigan niyo?”

“Ha? Sino?” takang tanong ko.

“Yung lagi niyo pong kasama noon na mamili.”

Oh God! Don’t tell me,si Jelie ang tinutukoy niya.

“Yung bang babaeng may mahabang buhok na kakulay ng chestnut? Siya ba ang tinutukoy mo?”

The Bad Boy Fell In love (PUBLISHED UNDER LIB)Where stories live. Discover now