Season 2- ❤ iv

3K 59 3
                                    

Hanggang ngayon ay sumasama parin ako kay Xander sa opisina niya.Pero nasa isang meeting siya ngayon at ako lang mag-isa dito.Dumoble ang inis ko sa babaeng iyon,parang mas gusto ko na ako nalang ang maghulog sa kanya sa hagdan.Pero hindi naman ako ganun kasama para gawin iyon sa kanya.Gusto kong malaman kung bakit niya ginawa ang mga iyon,ano ba ang gusto niyang mangyari.

Natigilan ako sa pag-iisip nang biglang mag-ring ang cellphone ko.Akala ko ay isang tawag iyon pero nagkamali ako.Isang reminder ang pinaalala nito,”Kath’s Death Anniversary”.Napabuntong hininga ako,hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na wala na siya.Parang kapatid na ang turing ko sa kanya,siya ang unang nasandalan ko noong kakapasok ko palang sa school.

Naisipan kong pumunta sa cemetery kung nasaan si Kath.Pero bago umalis ay gumawa ako ng isang note at nilagay sa desk ni Xander.Hindi ko siya matatawagan dahil ayaw kong maistorbo siya.

Palabas ako ng office nang makitang papunta sa direksyon ko si Ronnel.Hindi niya ako napansin habang tuluy-tuloy lang ito sa paglakad.Ako na ang unang bumati sa kanya,bihira lang kasi kaming magkita at magkausap.

“Kumusta Ronnel? Naku,nasa meeting pa si Xander ngayon e.” Bati ko sa kanya.

“Gumaganda ka Mrs. Reyes,di bale sa susunod nalang ako dadalaw ulit.” Kahit kailan talaga ay napaka-formal niyang magsalita.

“Mabuti pa ay samahan mo nalang ako ngayon para hindi sayang ang pagpunta mo rito.” Tutal nakakalungkot naman umalis mag-isa ngayon kaya mas maganda kung may makakasama muna ako.

“Sure,saan ka ba papunta?”

“Sa St.Peter Cemetery,may dadalawin lang kaibigan.” Nakangiti kong tugon sa kanya.

“Oh I see,sige tara na.Yung kotse ko nalang ang gamitin natin,wait mo nalang ako sa may entrance para hindi kana mapagod.”

Bumaba kami sakay ng elevator at dumiretso na siya sa parking lot sa likod ng building para kunin ang sasakyan niya.Nasa may entrance lang ako ng mapansin ko si Hipon (Serenity) na nakatingin sakin.Ngumiti ito sakin at kumaway pero inirapan ko lang siya.Ano na naman kayang trip ng babaeng ito?

Narinig ko na may bumusina na sasakyan sa may harapan ko,si Ronnel na pala ito.Hindi ko napansin na nandito na siya.Sumakay ako sa may front seat dahil alam kong magmumukha siyang driver ko kung nasa likod ako.

Habang nasa biyahe ay nagkwentuhan kami tungkol sa mga iilang mga bagay na hindi naman naming napag-uusapan noon.Siguro dahil hindi kami ganon kadalas mag-usap sa tuwing nagkikita kami.

“Balita ko na-hospital ka daw kamakailan lang,kumusta naman ang pakiramdam mo?” Siguro nabanggit narin ito nina Homer sa kanya.Dumalaw kasi sila sa bahay nung nakaraang araw pero wala si Ronnel.

“Medyo maayos na ako ngayon,kaunting ingat nalang siguro.Masyado kasi akong matakaw kaya anu-ano na nakakain ko.”

“Parang nakikita ko yung expression ni Xander nun,tiyak galit na galit na naman.”

“Oo,sinabi mo pa.Pati yata lamok aawayin niya kapag dumapo sakin.” Ganyan talaga si Xander,yung iba kinatatakutan siya pero pagdating sakin tiklop din ito.

Sabay kaming napatawa ni Ronnel,medyo nakakapanibago pero ayos na din ito.Siya nalang kasi yung hindi ganun kalapit sa akin,hindi tulad nina Aljo na palagi ko nalang nakakasama at nakakabiruan.

Tumigil muna kami sa isang flower shop malapit sa cemetery.Bumili ako ng white and red roses, ito kasi yung mga paborito ni Kath.Naalala ko pa nun nung madalas siyang magpabili sakin ng ganito,feeling boyfriend ako noon.Napaka-childish niya talaga,pero mahal na mahal ko yung kaibigan kong iyon.Bumili rin ako ng ibang bulaklak dahil may pagbibigyan ako nito,si Krusaint.Dito rin siya nakahimlay kaya bibisitahin ko na rin.Pag-tingin k okay Ronnel na nasa loob din ng flower shop ay may dali rin itong mga bulaklak.

The Bad Boy Fell In love (PUBLISHED UNDER LIB)Where stories live. Discover now