❤ xii

3.8K 80 3
                                    

-Xander’s POV

Gaano ba kahalaga ang Chrissy na iyon? Kailangan ko pa ba siyang maalala? Sabi ng Doctor ay wag ko daw pilitin na maalala siya dahil kusa naman daw mangyayari iyon.Pero parang ang laki ng kulang sa pagkatao ko ngayon.

Biglang pumasok si Aljo na may dalang itim na envelop.Lumapit siya sa akin at iniabot iyon.

“Akin lang siya,back off”  yan ang nakalagay na sulat sa envelop.Sino ang tinutukoy niya?

“Boss ano ang nakalagay?”

Pinakita ko sa kanya yung sulat,nagulat din siya doon.

“Kanino mo ba galing yan?” tanong ko sa kanya.

“Pinadala daw ito ng mga AXIS ayon sa mga tauhan natin.”

Ang grupong iyon,ni minsan ay hindi ko pa nakikilala ang leader nila.Walang nakakaalam sa tunay niyang pagkatao.Matagal na akong walang balita sa kanila.Bakit kailangan niya pa akong padalhan ng sulat na ganoon?Ano ba ang ibig niyang sabihin?

“Boss labas lang ako.”paalam ni Aljo.

Gulong-gulo na ako.May mga nangyayari ba na hindi ko alam?Nagsisisi ako kung bakit hindi ako nag-ingat sa pagmamaneho.Edi sana ay hindi ako nagkakaganito.

Sinubukan kong tumayo.Pero hindi pa kaya ng paa ko.Likod ko nga lang hindi ko maderetso.Namamanhid na ang buong katawan ko dahil matagal na pagkakahiga.Kailangan ko ng gumaling,mahuhuli ako sa school kung ganito nalang ang mangyayari.Alam na pala sa buong campus ang nangyari sa akin,excuse naman daw ako pero may chance parin na bumaba ang mga grade ko.

Sumagi na naman sa isip ko ang sulat na nabasa ko.Lalo tuloy akong na-excite na makilala ang leader ng AXIS.Ang lakas rin ng loob niya na bantaan ako ng ganoon.

“Boss may mga bisita ka pero hindi na sila pinapasok ni Ronnel.” Hindi ko man lang napansin ang pagpasok ni Aljo.

“Bakit hindi sila pinapasok?May sinabi ba akong hindi ako tumatanggap ng bisita?” yan ang ayaw ko kay Ronnel,nagdedesisyon ng hindi ko alam.No wonder kung bakit siya hiniwalayan ni Kris.

“Ewan ko ba dun.”

“Sino ba ang mga dumating?”

“Mga schoolmate at mga prof niyo Boss” napabuntong-hininga nalang ako.Kahit kasi pagbawalan mo si Ronnel ay hindi rin marunong makinig.Gagawin niya ang para sa kanya ay tama.

“Sige hayaan mo na,kumusta na pala si Justin?May balita kana ba sa kanya?”

“Nasa Pampanga parin sila,balita ko hindi parin tumitigil si Chrissy sa paghahanap sa kanila.”

“Chrissy? Anong kaugnayan niya doon?”

“Ah-eh.” Wala siyang maisagot sa akin.

“Si Chrissy ang gustong magpapatay kay Justin.” Sagot ni Ronnel na nakasandal sa may pinto ng kwarto ko,halatang kanina pa nakikinig.

“Talaga?”

“Hindi mo ba siya matandaan?Siya ang may kasalanan kung bakit ka nandito ngayon.Sumugod siya sa school niyo at ikaw naman ay tumakas gamit ang sasakyan mo kaya ka nagkaganyan.”

The Bad Boy Fell In love (PUBLISHED UNDER LIB)Where stories live. Discover now