❤ xvi

3.7K 82 0
                                    

 

-Chrissy’s POV

 

Mag-isa akong papasok sa school ngayon  dahil mala-late si Krusaint.May kailangan daw kasing asikasuhin sa bahay.Ok lang namin sa akin iyon.

Lalakad na sana ako papasok ng school,pero may biglang nakabangga sa akin.Napaupo ako dahil sa lakas ng impact niya.

“X-xander?” Hindi ako nagkakamali,siya nga ito.Nakalabas na pala siya ng hospital.Bakas sa mga sugat niya ang aksidenteng iyon.

“I’m sorry Miss,ok ka lang ba?” tinulungan niya akong tumayo.

“Miss? Hindi naman yata ako sanay na ganyan ang tawag mo sa akin?” full of sarcasm kong sabi.

Halata sa itsura niya ang pagtataka sa sinabi ko.Ano ba yan,ang slow lang ha.

“Ano ba kailangan kong itawag sayo?” nagtatakang sabi nito.

“Tawagin mo ako sa pangalan ko,may pa-Miss Miss kapang nalalaman.Chrissy dela Vega ito!” sigaw ko sa pagmumukha niya.

May kung ano ang sumapi yata sa taong ito at biglang nag-iba ang aura.Tinulak niya ako at muntikan akong ma-out of balance.Pagtingin ko sa kanya.May hawak na siyang baril na nakatutok sa akin.

“H-hey? What do you think you’re doing Xander?” nakaramdam ako ng sobrang kaba sa ginagawa niya.

Sakto pa naman at umikot ang guard ngayon sa school for inspection.Hindi niya kami makikita dito.

“Damn you Chrissy!” kinasa niya ang baril na kinatakot ko ng sobra.

“Wag Xander! “ hinarang ko ang dalawa kong kamay.

May naramdaman akong yumakap sa akin.Pagtingala ko,si Krusaint pala.Nakayakap ang kaliwa niyang kamay sa akin habang ang isa naman ay may baril at nakaharap kay Xander.Ano bang meron ngayon?

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa girlfriend ko?” tanong ni Krusaint kay Xander.Napaka seryoso ng itsura ng BabyLoves ko.

“Kailangan kong makaganti sa kanya”

“Wala naman siyang ginagawa sayo,back off” nanlilisik ang mga mata ni Krusaint at lalong humigpit ang yakap sa akin.

“Malaki ang atraso niya sa akin,teka sino ka ba para makialam dito?” naiiritang tanong ni Xander.

“Ako ang boyfriend niya.At ako lang naman ang leader ng grupong AXIS.” Halata sa reaksyon ni Xander ang pagkagulat.

AXIS?Leader? Ano ang mga iyon?

“Saka na naten ituloy ito.We’ll talk about your dirty games mamaya.Hihintayin ka ng Devilly 6 sa hideout.” Binaba na ni Xander ang baril na hawak niya.

The Bad Boy Fell In love (PUBLISHED UNDER LIB)Where stories live. Discover now